25TH STAMP
Narito kami ngayon sa labas ng operating room; ako, si Ver, si Manager Joon at Chan, si Luke, Sandie at Andre. Sa dalawang bala na tumama kay Louisse, isa lang ang naalis nila agad-agad. Yung isang bala malapit sa puso. Malapit lang, hindi pa tumama. Nasa kritikal ang buhay niya ngayon.
"Benj, umupo ka muna. Apat na oras ka nang naglalakad diyan sa harap ng pinto." Sabi ni Sandie. Nagulat ako sa sinabi niya. Apat na oras na pala.
"Hindi ako uupo hangga't di ko nalalamang buhay si Louisse." Sabi ko.
"Magagalit yun kapag pinagod mo ang sarili mo." Dagdag pa niya.
Bumuntong hininga ako at umupo sa tabi ni Sandie.
"Kuya, magigising si ate Louisse. Huwag kang mag-aalala." Sabi ni Ver. It's 5 am already at wala pa kaming tulog lahat. Tinabihan ako ni Ver.
"Kuya, matulog ka na lang muna." Tinapik niya ang balikat niya. Sumandal ako sa kanya at pinikit ang aking mga mata.
***
"Louisse! Stay with me!" Naririnig ko ang boses ni Benj. Nasaan ba ako? Puro pinto ang nakikita ko.
"Louisse, stay strong!" Sabi ni Benj.
Pinakiramdaman ko kung saan nanggaling ang boses ni Benj. Bubuksan ko na sana ang isa sa mga pinto nang biglang may tumawag sa akin na iba ang boses.
"Yuri! Han Yuri!" Tawag niya. Tumakbo ako palayo sa pinto at hinanap ko kung saan nanggaling ang boses na yun.
"Louisse, huwag mo akong iwan tulad ni mama." Umiiyak si Benj. I have to see him.
"Yuri! Yuri!" Pero kailangan kong hanapin ang may-ari ng pamilyar na boses na yun. Biglang may lumitaw na figure ng lalaki sa di kalayuan. "Han Yuri!" Tawag niya. Kuya? Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. Sa kanila. Dalawa sila.
"Yuri, kailangan mong bumalik."
"Kuya!" Wika ko. Tumakbo ako palapit sa kanya pero napahinto ako nang marinig ko muli ang boses ni Benj.
"Louisse, huwag!" Sabi nito.
"Yuri, balikan mo siya. Balikan mo sila." Sabi ni Kuya. Nginitian niya ako. Napatingin ako sa lalaking katabi niya. Papa?
"Patay na ba ako?" Tanong ko.
"The answer is up to you." Sagot ni papa. "Han Yuri, you are a great person. Hindi mo man ito nakikita, pero nakikita ito ng iba."
"Huwag mo silang iwan, Yuri." Sabi ni Kuya.
"Louisse! Louisse!" Parang nagwawala na si Benj. Nakarinig ako ng isang mahabang beep.
"CLEAR!" Parang naalog yung mundong kinatatayuan ko ngayon pero hindi ako apektado.
BINABASA MO ANG
200 Stamps
ActionAng kwento ng isang mafia boss na tinaguriang international pop princess na pinabalik ng Pilipinas at nabuhay na parang commoner. Nakilala niya ang isang lalaking hindi niya inasahang gumulo lalo ng dating magulo niyang mundo.