6th Stamp

484 10 1
                                        

6TH STAMP

 

 

Inubos niya yung isang baso ng wine.

"Bensh! Lesh play na..." Natumba na siya sa kama. Nagbihis na ako at iniwanan siya ng note. Thanks for last night. Kahit wala naman talagang nangyari.

Lumabas na ako ng hotel para makauwi. Umuulan pa. Tsk. Pagdating ko sa parking lot, nakita kong nakababa ang hood ng sasakyan ko. Tumakbo naman ako agad palapit doon. Nadatnan kong natutulog si Louisse at mukhang giniginaw. Agad ko namang tinaas ang hood ng sasakyan.

"Aish. Hindi madadala ng katapangan ang lamig ng panahon." Hinubad ko yung jacket ko at nilagay sa may braso niya. Basang basa pa siya. Inayos ko yung buhok niya dahil nasa mukha na niya. Hindi na ako nagpa-aircon, baka magkasakit pa siya. Malapit naman rin ang village dito. Pinaandar ko ng ang sasakyan at hinatid siya pauwi.

Nakapark na ako ngayon sa harap ng apartment niya.  

"Louisse! HOY GISING!" Tinapik tapik ko siya.

"HOY! Hindi tulugan ang sasakyan ko! HOY GISING!" Ang tanging gumalaw lang ay ang kamay niya na lumanding sa kamay ko.

"Teka. Nilalagnat ka ah. Shit." Nataranta ako. Basang basa pa yung suot niya. Agad ko siyang binaba sa kotse para maipasok sa bahay niya. Kaso wala pa rin naman siyang susi dahil kailangan ng passcode!

"Huy! Louisse! Passcode ng bahay mo! Huy mataas ang lagnat mo. Cooperate naman!" Aish. Wala pa rin kibo. Okay kailangan kong gawin ang dapat kong gawin.

***

Nilapag ko siya sa kama sa kwarto niya. Basa pa yung damit niya. Kailangan niyang magbihis.

"Louisse, kailangan mong magbihis. "

AWSH! Hindi pwedeng ako ang magbihis nito. Tinawagan ko yung kapatid ko at sinabing pumunta sa apartment na to. Hindi ko pa naman nila-lock yung pinto, makakapasok pa siya.

"Oh anong kailangan mo? School night ngayon kuya. Just so you know." Sabi niya nang makapasok siya sa kwarto.

200 StampsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon