22nd Stamp

339 9 0
                                    

22ND STAMP

 

 

Xavier is moving fast. Hindi ko akalaing agad-agad na niya gustong makapaghiganti.

"Nasa airport na ang stepdad mo. Kahapon siya umalis ng US." Sabi ng babaeng bodyguard ko. Tinanguan ko siya.

Narito kami sa bahay kung saan namin dinala si Benj para makatago mula kay Xavier dati. Kasama ko si Sandie at si Andre.

"Andre, wala ka dapat dito. Mapapahamak ka lang." Sabi ko sa kanya.

"Don't worry. I was trained for this."

"WHAT?" Gulat na tanong namin ni Sandie sa kanya. Nginitian niya kami. Yung nakakamatay niyang ngiti.

"Noong pinauwi ka, Yuri, dito sa Pilipinas, kasama mo ako sa eroplano noon. Hindi mo alam dahil hindi mo ako kilala. Inatasan ako ng mga tito mo na bantayan ka habang narito ka." Pagpapaliwanag niya. Huminto siya at kinuha ang phone niya. Pinasa niya ito sa akin.

"Ano to?" Tanong ko.

"Tingnan mo." Sabi niya. Sinunod ko naman siya. Isang group picture na parang class picture. "Yan ang mga importanteng tao sa mafia niyo. Sa Han mafia." Napatingin ako sa kanya.

"Paano mo nalamang nasa Han mafia ako?" Tanong ko.

"Who doesn't know you? Ikaw ang anak ng boss." Sagot niya.

"Wait wait wait. So isa ka sa amin?" Tanong ni Sandie.

"Hindi ba Fuego ka?" Napasimangot naman si Sandie sa reaksyon ni Andre. Binalingan ako ni Andre ng atensyon. Tinuro niya ang mga taong nasa picture. "Yan ang daddy mo at ang tatlo mong tito. Si Mr. Wilson, ang right hand. Ang papa ko, mama mo." Nanlaki ang mga mata ko sa sunod niyang tinuro. "Si Manager Chan at Joon."

"Eommo." Sambit ko. Napatingin sa akin si Andre.

"Kung hindi nadismiss ang papa ni Guevarra sa pagiging weapon master ng mga Fuego, makakalaban mo siya ngayon. Kung hindi naghiwalay si Sandie at Xavier, siya ang daraanan mo bago si Xavier." Pagpapaliwanag ni Andre. Napatingin ako kay Luke.

"Eh si Luke?"

"Don't ask." Sulpot ni Luke sa usapan. "Hindi importante yung sagot." Nagkibit balikat si Andre.

"Kung tutuusin, mas makapangyarihan ka kesa sa mga taong nasa picture. Kesa kay Xavier. Kesa sa akin. Kesa sa papa ni Guevarra. Ikaw ang anak ng legendary Han Jae Joong. Ang taong sinakripisyo ang sariling buhay para sa buhay ng kanyang anak, matalik na kaibigan at kapatid."

"Wow! Isa ka ngang mafia princess, Yuri." Sabi ni Sandie habang tinitingnan ang litrato sa phone ni Andre.

Tumunog ang phone ko. Benj calling... Napatingin ako kay Andre, Sandie at Luke. SInagot ko yung tawag.

200 StampsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon