14TH STAMP
Bagay sa kanya yung pinamili kong damit para sa kanya. She's wearing a knee-length white flowy dress at nakasandals siya. Mukha siyang diwata. Literally.
"Benj, pag tayo nabangga at namatay ako, mumultuhin kita ng bonggang bongga." Naibalik ko naman yung tingin ko sa kalsada. Mabuti na lang at di masyado marami ang sasakyan. "Saan ba tayo pupunta at bakit ganito pa ang suot ko? Nakakahiya naman."
Hindi ko siya sinagot and turned right instead. Maya maya lang nakarating na kami sa aming destinasyon. Bumaba ako at pinagbuksan siya ng pinto. Nakashades na siya ngayon.
"Wooooow! This is heaven. Eommo!" Sabi niya at kinuhanan niya ng picture ang view.
"Ikaw ang unang babaeng nakapunta dito. I spent my childhood here." Sabi ko sa kanya. This is my place together with my stepbrother. Ito ang old resthouse ng dad ko. He gave it to me when he fled to Korea to take care of some business. Basically, nasa beach kami. Private part.
"Talaga lang ha?" Sabi niya at naglakad papunta sa dagat. Hinabol ko siya.
"Ikaw talaga, promise. Hindi to alam ng stepmom ko. Hindi ko pinapapunta ang kapatid ko dito." Natawa siya.
"Benj, it doesn't matter kung pang-ilan ako dito. Okay?" Sabi niya. Right. Hindi naman kami magsyota. "Anong ginagawa mo kapag nandito ka?"
"Well, umuupo at pinapanood ko ang dagat. Kumakain. Minsan maliligo sa dagat." Ngumiti siya. "Wala tayong panligo." Paalala ko.
"Edi bibili! Tara!" Hinila niya ako papunta sa kotse. Pinapasok niya ako sa driver's seat at sumakay na siya sa front seat. Tiningnan ko siya. "What?"
"Wala lang." Sabi ko at pinaharurot ang sasakyan papunta sa pinakamalapit na bilihan ng panligo. Pagdating namin doon, naghiwalay kami dahil magkaiba naman kami ng bilihan. Babae siya, lalaki ako. Napag-usapan lang naming sa kotse na magkita.
Nang makabili ako ng panligo ko, naisipan kong bilhan muli ng damit si Louisse dahil wala siyang isusuot pagkatapos. Baka magabihan kami at panahon pa naman ng tag-ulan. Alam ko na ang sizes niya from undies to shirts. Paano ba naman kasi, naiwan niya kagabi sa CR yung kanyang undies. -____- Aish! Ano ba, Benj?!
Pumunta na ako sa kotse at nadatnang wala pa siya. Pinasok ko na lang sa kotse ang mga pinamili ko at sumandal sa hood habang hinihintay siya. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakita ko siyang tumatakbo papunta dito.
"Sorry natagalan. Pinagkaguluhan kasi nila ako sa department store. Akala nila ako si Yuri." Napaubo naman ako sa narinig ko. Naibaba niya yung paperbag na hawak niya at humawak sa tuhod niya saka hinabol ang hininga niya.
"Tara na. Baka makita pa nila ako at pagkaguluhan rin tayo." Sabi ko at pinagbuksan siya ng pinto. Kinuha ko yung paperbag at nilagay ito sa likod ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
200 Stamps
ActionAng kwento ng isang mafia boss na tinaguriang international pop princess na pinabalik ng Pilipinas at nabuhay na parang commoner. Nakilala niya ang isang lalaking hindi niya inasahang gumulo lalo ng dating magulo niyang mundo.