31st Stamp

275 5 0
                                    

31ST STAMP

 

Dinner time na. Plano nilang magcampfire mamaya at magkwentuhan. Nagsusugba yung mga lalaki, tumutulong si mommy. Nakaupo ako ngayon sa isang malaking bato na tanaw ang buong syudad sa baba. Night lights are the best.

"Still not talking to him huh?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Sandie.

"Wala naman rin akong sasabihin." Sabi ko. Nilapitan niya ako at umupo sa tabi ko.

"Ganda ng night lights. Isama mo pa yung night sky." Tumingala siya. I love the dark, it makes it easier to see light. "Sigurado akong may hindi ka pa sinasabi sa amin."

"Benj asked Aru to marry him." Sabi ko.

"What? That's ridiculous. Benj would never." Sabi naman niya.

"Si Aru na mismo may sabi. And hello? May past sila, ibig sabihin may foundation pang maaayos. Eh kami?"

"Foundation foundation ka diyan. Pabayaan mo nga si Aru. Si Benj mismo ang nang-iwan kay Aru. Why on earth would he propose to her?"

"Pero sabi ni Aru..." Nagfade yung boses ko nang marealize ko ang sitwasyon. Damn it! Why Aru? Why did she have to do it? Anong ginawa ko sa kanya?

"Aru is the wisest Fuego, Yuri." Fuego? "Itong nangyayari sa inyo ngayon ni Benj, plano to ni Xavier and both of you are making it work. Luke analyzed it."

Ano namang kinalaman ng mga Fuego ngayon? Iniwasan ko na lang ang topic at tinanong kung ano ang napag-usapan nila ni Benj.

"Well, after ka daw niyang nakita sa TV, nagpabook siya agad ng flight." Pagku-kwento niya. Naalala ko naman yung sinabi ni mommy... Lilipad ba naman yan galing Pilipinas kung hindi siya tapat sayo? Is he now?

"Sabi pa niya.... ehem..." Umupo siya ng maayos tila magde-declamation. "I wish she would stop thinking about the Benj she met and start believing the Benj who fell in love with her." Paggaya niya sa naging ekspresyon siguro ni Benj noong nag-usap sila.

Natigilan ako. Should I now? Mahirap kasi. Magulo ang utak ko. Hindi ko na alam sinong pagkatiwalaan. Fuego. Han. Benj. I just want to get out of this kind of life. Sorry kuya at sa sinasabi nilang papa ko, pero gusto ko nang makawala sa ganitong klaseng mundo. I cried in my mind.

"Yuri. Sandie." Napalingon kami sa nagtawag ng mga pangalan namin. Si dad. "Dinner time."

Tumayo kami ni Sandie at naglakad papunta sa paligid ng campfire.

***

Kinukwento ng stepdad ko ang tungkol sa "naging childhood" ko. He made it sound so fun. Everybody's laughing. Everybody's happy. Well, of course, except me, as usual. Nawalan kasi ako ng gana eh. It's not because it's a childhood I shouldn't have had, it's because of an unwanted presence. That sounded horrifying.

"Yuri." Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang pangalan ko. Napatingin ako sa kanila. Nakatingin silang lahat sa akin. Pati si Benj na alam kong kanina pa nakatingin sa akin.

"What's wrong, princess?" Tanong ni dad. Princess. Nagflash sa isip ko ang ala-ala ng isang batang lalaki na tinatawag akong princess.

200 StampsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon