5TH STAMP
Hindi siya nagsalita. Yung dalawa naman napatingin sa amin, tiningnan ko sila. Umiwas sila ng tingin at lumayo. Hindi sa hindi na ako playboy pero ayaw kong pinagta-trabaho tong babaeng to. Hindi ko alam basta naisip ko lang. Parang anlaki ng problema pero natatakpan lang nga pagkaastig niya. Parang si Steph.
"Pero huwag kang umasa na gagawin ko tong madali." Sabi ko. Naibaling ang tingin niya sa akin.
"We'll see about that. DEAL!" Sabi niya. "Pero kailangan may kontrata." Sabi niya at kumuha ng papel mula sa ilalim ng coffee table.
I, Benjamin Guevarra, do hereby solemnly pledge that every request I make with Louisse Wilson is equivalent to Php 200. Doing so 200 times will result to the full payment of her debt, Php 40 000. This is effective if and only if the request needs her effort.
"At para malaman natin na 200 times mo na pala akong pinapahirapan, bibili ako ng maliit na calendar at stamp para tatakan mo sa tuwing inuutusan mo ako." Sabi niya.
"Paano ko naman malalaman kung ikaw lang pala ang tatak ng tatak diyan?" Tanong ko. Baka maisahan pa ako.
"Ikaw naman ang hahawak ng tatak." Sagot niya.
"Paano kung may duplicate ka?"
"Ipapagawa ko para exclusive sayo. Tsk. Daming arte nito. Parang babae." Sabi niya.
"Psh. Eh sinong parang lalaki gumalaw diyan?" Pang-aasar ko and she shot me her death glare. Fine. Shutting up. Baka mabalibag na naman ako.
Every request is also equivalent to 1 stamp to keep track of the number of requests made. Louisse Wilson is not allowed to forge the stamp resulting to her dismissal as my personal assistant with the Php 40 000 debt still in effect.
"Oh pumirma ka." Inabot niya sa akin yung papel. "Don't worry, a contract is a contract kahit pa sabihin nating informal contract yan dahil kulang ng mga eskemadoo." Sabi niya.
Kinuha ko yung papel at pumirma. Hindi ko na kailangan basahin dahil sinasabi niya kada salita habang nagsusulat.
BINABASA MO ANG
200 Stamps
ActionAng kwento ng isang mafia boss na tinaguriang international pop princess na pinabalik ng Pilipinas at nabuhay na parang commoner. Nakilala niya ang isang lalaking hindi niya inasahang gumulo lalo ng dating magulo niyang mundo.