18th Stamp

419 9 0
                                    

18TH STAMP

 

 

8 pm na nang nakarating kami sa bahay. Pinasabay ko na lang ng kain sa akin ang mga bodyguards ko. Ilang beses nila akong tinanong kung okay lang ba daw ako. Ang tanging sagot ko lang ay isang ngiti at tumatango.

Maganda rin pala itong nagbobonding ka kasama ang mga taong nag-aalaga sayo. Marami akong nalaman. Nalaman kong ulila na si mga magulang yung babae kong bodyguard. Yung tatlong lalaki ay may mga pamilya sa US na sinusuportahan ng stepdad ko. At nalaman ko rin na sa pagbantay-bantay nila sa akin, sa sasakyan sila natutulog kapag gabi.

"Did he not give you comfortable privileges?" Tanong ko.

"He told us not to take our eyes off of you." Sabi ng leader ng team na to.

"It's our duty and it's okay." Sabi naman ng isang lalaki. I should really know their names.

"Alam naman namin ang kakayahan mo tulad lang rin ng gustong pumatay sayo." Sabi ng babae.

Oh yeah. Right. It's Xavier who wants to kill me. He knows a lot but not enough.

"Gusto niyo bang matulog dito sa apartment ko?" Tanong ko. Naiintindihan naman ako nitong tatlong lalaki, hindi lang sila nakakapagsalita ng tagalog. Itong babae, half Filipino.

Halata namang nagulat sila sa tanong ko. Hindi kasi ako ganitong tao noon. Masyadong capitalistic yung mind set ko noong nasa US pa ako, noong may career pa ako. Ako ang boss, ako ang masusunod. First class ako, third class sila. Ganyan ako noon.

"I am sure." Sabi ko bago sila makapagsalita pa. "This is a presidential apartment naman. There is an extra room. It's probably big enough for you." Sabi ko at tumayo mula sa kinauupuan ko. "Pero, can you do my chores?" Nagpacute ako sa kanila. Nagtinginan muna sila sa isa't isa bago sila sumagot.

"Okay!" Masigla nilang sagot. Masaya sila malamang dahil may makatarungan na silang matitirhan habang binabantayan nila ako.

"Oh and don't report to my dad about whatever happens here without my permission. Arasso?" Sabi ko. Tumango sila.

Umakyat na ako at pumasok sa kwarto ko. Kinuha ko yung tablet ko at nag-internet. Una kong pinuntahan ay ang twitter. Sana walang kumalat na news or article man lang tungkol sa nangyari kanina. Pagbukas ko ng twitter ko, may direct message.

Don't worry. Walang article.

 

Galing kay manager Joon. Awwe. This manager is so caring. Ansaya siguro kapag naging papa ko siya. Hehe. Tumunog yung phone ko. Kinuha ko ito at tiningnan kung sinong tumatawag.

The Benjamin Guevarra calling...

 

200 StampsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon