21st Stamp

396 10 0
                                    

21ST STAMP

 

"What do you know about Louisse?" Bungad ko kay dad nang makapasok ako sa opisina niya. Alam ko naman na tungkol sa mafia ang pag-uusapan namin.

"She's your PA and you're in love with her." Sagot niya at ngumisi. Kung hindi lang puno ng tanong ang isip ko ngayon, napangiti na sana ako.

"Dad." Sabi ko. "Alam ko na ang tungkol sa mafia." Napatingin siya sa akin. "At gusto kong malaman kung may kinalaman si Yu-- si Louisse at Sandie dito."

Binitiwan niya ang ballpen niya. Tinanggal niya ang glasses niya at tumayo. Naglakad siya patungo sa bintana at tumingin sa labas.

"Wala silang kinalaman, Benj. Hindi sila miyembro ng pamilya. Ayokong mapahamak sila." Sagot niya.

"Then why did you call them?"

"That's classified information. I hope you'll respect that."

"Okay, fine. Bakit si Louisse ang trainer ni Ver?" Matagal bago niya nasagot yung tanong ko.

"Nag-apply siya, Benj. Nakapost doon sa firing range na kailangan ng martial arts at firing trainer." Sagot niya. Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi niya pero mukhang kapani-paniwala rin naman.

"May utang siya sa'yo, diba? Gusto niyang mabayaran agad-agad." Humarap siya sa akin.

"Why?"

"She has her reasons, Benj. Ask her."

"Hindi niya sinasagot ang mga tanong ko."

"Or you just don't read between the lines."

Natameme ako sa sinabi ni dad. Tama nga naman siya. Kung ano yung sinabi ni Louisse, yun na ang pinaniwalaan ko.

"Dad, tell me. May kinalaman ba si Louisse sa mafia?" Mariin kong tanong.

"Ask her."

With that, I stormed out of the room. Yung babae sa elevator. Yung naglagay ng oxygen mask sa akin instead na sa kanya. Yung cupcakes. Isa lang ang tanong na nasa isip ko ngayon. Si Louisse ba yung babaeng yun?

 

 

***

Walang shooting si Benj. Nasa firing range siya ngayon, nagte-training. Sabi niya sa akin umuwi daw muna ako at magpahinga dahil kaninang madaling araw lang natapos ang shooting niya. Sumunod naman ako. Mapagkakatiwalaan naman yung mga staff ni sir Ben eh at may bodyguards doon.

"You think he found out?" Tanong ko kay Sandie. Umiling siya.

200 StampsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon