13th Stamp

523 14 0
                                    

13TH STAMP

 

 

Ano na Benj? Anong gagawin mo? Nakarinig ako ng pagtunog ng phone. Yung phone ko.  Medyo gumalaw ko para maabot yung phone ko. Nagising si Louisse.

"Manager?"

"Si Manager Chan to, Benj."

"Oh. Payag ka na po ba, Manager?"

"Oo na. Sige, papayag na. Alam ko namang may dahilan kang legit."

"Legit po talaga. Promise."

"Sige na sige. Busy pa sa bistro."

Binaba ko ang phone. Tiningnan ko si Louisse.

"Sino yun?" Tanong niya.

"Si Manager Chan. Pumayag na siya na hindi ka muna magta-trabaho ngayon." Sagot ko. Sumandal siya muli na parang disappointed. "Gusto mo talaga magperform no?"

"Ne. I aim to entertain kasi. Thanks, anyway." Malumanay na sabi niya habang nakapikit.

"So Miss Yuri, you look so energetic and alive in every performance." Sabi ng host.

 

"Yes. To be honest, sometimes I tend to catch my breath. But it is because I aim to entertain that is why I look so energetic and alive in every performance." Sagot ni Yuri.

 

 

I aim to entertain. Narinig ko yun mula kay Yuri. Sa unang TV guesting niya sa talk show ng tita ko. Tiningnan ko si Louisse. Kamukha niya si Yuri. Nagperform siya na parang si Yuri. Yung pagsasalita niya parang kay Yuri. Pati mga sinasabi niya Yuri na Yuri. Hindi kaya siya si Yuri? Benj, kung siya si Yuri, bakit pa niya kailangan magtrabaho para mabayaran ang utang niya? Baka magkamukha lang. Sabi nga ni Sandie sa akin there 7 persons around the world that look exactly the same. AROUND THE WORLD.

Pumasok ako sa kwarto ko at kumuha ng unan at kumot. Pinahiga ko si Louisse sa sofa at kinumutan. Aircon buong apartment eh. Baka lamigin. Pumasok ako muli sa kwarto ko at kinuha yung cellphone na napulot ko. Cellphone pala to ni Louisse eh. Napadpad ako sa notes niya. Hindi ko naman binasa pero may isang linya ang nakakuha ng atensyon ko.

***

Nagising ako nang maramdaman kong may nakatitig sa akin. Minulat ko ang aking mga mata at inalam kung sino ang nakatitig sa akin. Si Benj. Nakaupo siya sa couch na para bang ineeksamin niya ang mukha ko. Ay! Nakahiga na pala ako. Si Benj kaya nagpahiga sa akin? Malamang sa alamang. Siya lang naman yung kasama mo dito Louisse diba?

"HUY!" Kinawayan ko siya dahil mukhang nalunod na siya kakaisip. "Anong ginagawa mo?" Umiling iling siya. Natauhan na siguro.

200 StampsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon