23rd Stamp

346 8 0
                                    

23RD STAMP

 

 

Narito pa rin kami sa bahay na to. Nalaman ko na ang lahat lahat. Pero pakiramdam ko may kulang pa rin.

"Yuri." Napatingin ako sa pinto. Ang stepdad ko.

"Dad." Sambit ko.

Nakita kong napatayo si Luke, Andre at Sandie at nagbow. Napatingin naman si dad sa kanila at sumenyas na umupo. Nilapitan niya ako.

"I've contacted the Guevarras. The daughter is with your bodyguards. Benj is--" I cut his thought.

"He is not after the Guevarras. He's using it as an excuse to get Benj." Nakita kong kumunot ang noo niya. "Because Benj..." Hindi ko masabi dahil alam kong sisigawan na naman niya ako. "Because he... uhh.. Benj..."

Tiningnan ko sila Luke, Andre at Sandie. Lahat sila'y binibigyan ako ng sabihin-mo-na look.

"Loves you?" Napatingin ako sa stepdad ko. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ako nagsalita. Ewan ko kung anong hinihintay ko. Basta hindi ako nagsalita. "And you plan to rescue him."

Hindi siya nagtatanong. Tiningnan ko siya sa mata. Yung hitsura niya maotoridad ang nakikita ko ngayon. Nakipagtitigan ako sa kanya. Hindi galit. Hindi takot. Hindi nagmamakaawa.

"Then you'll die the way his mom died. Xavier will succeed and you go down to history." Sabi niya.

Ginising ng mga katagang yun ang isipan ko. Napatingin ako kay Luke. Nakatingin siya sa stepdad ko, hinihintay kung anong susunod niyang sabihin.

"What?" Ang tanging salita na lumabas sa bibig ko at sinimulan niya ang pagkwento.

Nasa Pilipinas ngayon ang asawa ni Ben Guevarra. Siya ang taga-attend ng mga meeting at iba pang appointments sa Asya ukol sa firing business ng pamilya.

 

Pagkalabas na pagkalabas niya sa eroplano, may naghihintay agad na sasakyan na may nakasakay na tatlong bodyguards para sa kanya. Ganyan siya kaimportante sa asawa niya at sa mafia na kinabibilangan nila, ang Fuego mafia.

 

"Hinihintay na po kayo ni boss sa mansion." Sabi ng chief nila.

 

"Masyado pang maaga. Hindi naman siguro siya excited?" Sabi ni Vereal Guevarra.

 

Pinagkibitan lang siya ng balikat at sumakay na sa SUV na kanina pang naghihintay para sa kanya. Pagkasakay niya, pinatakbo agad ito at dumaan sa VIP gate palabas. Hindi kalayuan sa airport ang mansion ng mga Fuego kaya madali silang nakarating.

 

"Goodmorning po, Mrs. Guevarra." Pagbabati at yuko ng mga katulong sa mansion sa tuwing dumadaan si Vereal. Ginagantihan naman niya ng napakatamis na ngiti ang mga ito upang hindi matakot.

200 StampsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon