3RD STAMP
1 week na akong naghahanap ng trabaho. Napakahirap naman kasi maghanap ng trabaho dito sa Pilipinas! Kung pwede lang pumasok ako sa show business kaso hindi pwede eh. Kainis. Sabi matandang bulok any work basta huwag show business. GRRR.
"Sorry, miss. May natanggap na kasi sa slot eh." Sabi ng receptionist.
"Ah. Sige. Salamat." Sabi ko at lumabas na ng office nila.
Barista ang target job ko. Aside from performing, marunong din kasi ako ng timpla timpla and all. Tinuruan ako ni Chris dahil bartender siya. I miss that guy. Every night tinuturuan niya akong magmix ng drinks at bartending na rin.
"Miss!" Tatawag na sana ako ng taxi nang biglang may kumalabit sa akin. Nilingon ko naman. Oh. Siya yung receptionist sa bar na to. "Okay ba ang boses mo? Nagquit kasi yung performer namin dito kahapon." Kuminang naman ang mga mata ko. Performer? Forte ko yan!
"Opo opo!" Pumasok kami ulit sa office at nandoon yung manager ng bar. Pinasample niya ako at nasatisfy naman siya.
"Great! You're hired. MWF ang schedule mo, 6pm magsisimula ang shift mo hanggang sa may request ang costumers. Okay ba yun sayo?" Hanggang sa may request? Kahit pa buong gabi!
"Opo! Kaya ko po yan." Sagot ko.
"Magkano ba ang gusto mong TF?" Tanong niya. As Yuri, mahal ang TF ko. Pero as Louisse...
"Kayo na po bahala kung anong babagay sa performance ko." Sabi ko. Pumirma na ako sa kontrata at magsisimula ang work ko next week. Weeeee! Sa sobrang saya ko, pumunta ako sa bahay ng dentist ko. Syempre, siya lang yung mapagkakatiwalaan ko dito.
"Wow! That's great!" Sabi ng dentist ko sa akin. "Hindi ka na mamumulubi." Dagdag pa niya.
Oo nga. Sinabi ko kasi sa kanya na hopeless na talaga ako kaya sabi ko baka dito na mamumulubi ang isang US performer. Pero God is so good at binigyan niya ako ng chance! Weeeee.
"Pero MWF lang naman atsaka sinabi kong sila na ang bahala sa talent fee ko. Hindi naman pwedeng magdemand ako ng malaki dahil ako si Louisse, hindi si Yuri." Malamang hindi malaking malaki yung TF dahil commoner ako ngayon. Feel ko kulang pa yun para mabuhay ako. Umiba kasi yung kondisyon ng matandang bulok eh. Sabi niya ipakita ko daw na kaya ng sweldo ko buhayin ang sarili ko bago siya magpapadala ng pera. Leshe. Mamatay ka na sana.
BINABASA MO ANG
200 Stamps
ActionAng kwento ng isang mafia boss na tinaguriang international pop princess na pinabalik ng Pilipinas at nabuhay na parang commoner. Nakilala niya ang isang lalaking hindi niya inasahang gumulo lalo ng dating magulo niyang mundo.