10th Stamp

446 10 0
                                    

10TH STAMP

 

 

"That was rude act, Guevarra." Napatingin ako sa kararating na Luke. Kararating o sumunod? Bahala na nga.  

"Wala ka nang paki doon. PA ko siya. Pwede ko siyang pagalitan." Sagot ko at nagsimulang maglakad pabalik sa party.

"Nagagalit ka lang naman sa PA mo kapag nagtatanaga-tangahan sila. Hindi naman katangahan yung ginawa ni Louisse ah." Napahinto ako sa paglalakad at tiningnan si Luke. He smirked.

"Kalandian." Sabi ko. Umiling-iling si Luke at inakbayan ako.

"No. Nasa denial stage ka na siguro." Sabi niya at iniwan ako. Abnormal. Denial stage niya pwet niya. Siya nga yung may gusto kay Louisse eh tapos ipapasa niya sa akin.

I did not do that to impress anyone. I did that as part of the choreography. I wasn't selling my body, if that is what you mean. Naoffend ko ba talaga siya? Napayuko ako habang naglalakad at namulsa. Hindi na ako bumalik sa party at dumiretso sa suite namin. I still find it awkward to say suite namin.

"Hoy PA kong tomboy. Huwag mo na isipin yung sinabi ko kanina." Dirediretso kong sabi pagpasok ko ng suite namin. Hindi siya kumibo.

"Hoy! Naoffend ka ba talaga? Bakit mo naman kasi ginawa yun?" Wala pa rin siyang kibo. Binato ko ng unan. "HOY! HINDI MO BA TALAGA AKO PAPANSININ?" Napansin kong medyo nabuksan yung pagkataklob ng kumot. Sumilip ako at hinila ang kumot.

"Louisse?" Puro unan ang nakapailalim dito. Saan siya pumunta?

***

"Xavier. Should have known." Sabi ko. Nakatali ako sa isang upuan. Buong katawan nakatali at may dalawang nakatayong alipores ng lalaking to sa tabi ko.

"Yuri. Han Yuri." Sabi niya at ngumisi. "I don't get it. A mafia princess pretending to be an international pop star, Yuri Wilson and now here in this country as the commoner, Louisse Wilson. You should have had a reason, don't you, my princess?" Hinawakan niya ang mga pisngi ko. Binawi ko ito.

"Still don't know how to speak Filipino, huh? Shame." This time, ako na yung napangisi.

Xavier Fuego, former co-trainee. Dalawa kami sa mga pinakamagaling noong nagsasanay pa kami. He betrayed us. Muntik na akong namatay dahil sa kanya. My stepdad tried to kill him but he's just so freakin good that he escaped. Mahirap siya bilang isang kalaban dahil una, kami ang nagsanay sa kanya. Pangalawa, alam niya ang strategies namin.

200 StampsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon