26th Stamp

346 7 0
                                    

26TH STAMP

 

 

Is trying to kill me once not enough? Hindi ko maintindihan. Hawak-hawak pa rin ni Benj ang braso ko at halos itago na niya ako sa likod niya. Para siyang alpha na pinoprotektahan ang herd.

"B-Benj, m-masakit na." Angal ko kay Benj nang maramdaman kong para na akong sinusuntok sa higpit ng pagkakahawak ni Benj. Napatingin naman siya sa akin, lumambot ang ekspresyon sa mukha niya at binitiwan niya ako. Hinawakan niya ang likod ng ulo ko at hinalikan ako sa noo. Pinagdikit niya ang mga noo namin habang nakapikit.

"I'm sorry, Yuri. Gusto lang kitang protektahan." Bulong niya.

"How sweet." Sabay kami ni Benj na napatingin kay Xavier. Nakatayo na siya. Sinusuportahan pa rin siya ng crutches na nasa magkabilang kamay niya. "Oh Yuri, I can't believe I still deceive you." Dagdag pa niya at ngumisi sa akin.

Maya-maya lang may dumating na mga lalaking nurse at hinawakan si Xavier sa magkabilang braso.

"Mr. Fuego, hindi po kayong pwedeng lumabas nang walang kasama." Sabi ng isang nurse. Judging by their uniform, sa mental sila nakaassign.

"Let go of me!" Pagpupumiglas ni Xavier pero hindi natinag ang mga nurse.

"I order you to unhand me!" Pagwawala niya.

"Sorry po, Miss Yuri at Sir Benj." Sabi ng isang nurse sa amin bago sila umalis sa harap namin.

"Second lives aren't real, Yuri! Remember that! REMEMBER THAT!" Sigaw ni Xavier bago sila tuluyang nawala sa harap namin. Napatakip ako ng bibig. Niyakap ako ni Benj. Nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya habang patuloy ang pag-agos ng mga luha ko. Dinig na dinig ko ang mabilis na tibok ng puso niya. Kinabahan rin siya sa nangyari. Xavier tried to kill me again with a knife. With a knife!

"Ssshhh... I'm here. Benj is here. Sssshhh" Pagpapatahan ni Benj sa akin. He is stroking my back with his hand. It made me feel calm. "Don't cry."

Naalala ko noong 8 years old ako. Yun ang huling araw na may nagpatahan sa akin. Ganitong paraan rin yun.

"I'll dance with you." Sabi ni Benj. Automatic namang huminto ang pag-iyak ko. Kumalas ako sa pagkakayakap niya at tiningnan siya sa mata.

"Anong sinabi mo?"

"I'll dance with you." Why on earth did that sound familiar?

 

"Errr... Balik na lang tayo sa room, Benj." Sabi ko. Ngumisi siya saglit bago niya hinawakan ang kamay ko at sinabayan ako sa paglalakad pabalik ng room ko. Dumiretso ako sa kama. Sinigurado muna ni Benj na maayos ang posisyon ko bago siya pumwesto sa sofa. Pumikit siya agad. Medyo kunot yung noo niya at nakakuyom ang mga palad niya.

"Sleep, Yuri." Utos niya. "Ipikit mo na ang mga mata mo." Para namang nakikita niya ako. Nakapikit nga siya eh! "Alam kong mulat ka pa." Bahagyang nanlaki ang mga mata ko.

200 StampsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon