29TH STAMP
It's a Sunday at plano ni mommy na mag out-of-town kami. Pumunta kami sa country, kung sa Pilipinas pa, sa bukid. Sabi ni mom, ang lupang iyon ay pagmamay-ari ng mga Han. Naexcite tuloy ako. I love the country side!
"You look very happy." Sabi ni Luke habang pinapanood akong mag-impake.
"Of course! Who doesn't love the country?" Kung posible lang mapunit ang mukha dahil sa ngiti, nangyari na sa akin kanina pa.
"Ikaw? Mahal mo ang probinsya? Wow. You're always full of surprises, Han Yuri-ssi." Sabi niya at humiga sa kama ko. Inunan niya yung dalawang palad niya at tiningnan ako. "Benj is so lucky to have you." Pakiramdam ko namula ako. Pinagpatuloy ko ulit ang pag-iimpake.
"Well, Benj is not here and he's not with me." Sabi ko at pumasok sa CR para kumuha ng mga kailangang toiletries.
"Why don't you... uhmmm... breakfree when we get to the lakehouse?" Dinig kong sabi niya mula sa kwarto. Naglakad ako pabalik sa kwarto ko at nilagay ang mga sabon at cream sa isang pouch at pinasok ito sa maleta.
"That's my plan. And I want you to help me by not talking about Benj. You're the topic opener." Sabi ko at inirapan siya. Natawa siya.
"Sorry. Pwede bang pumunta si Sandie?" Napatingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
"Like what? USA is 1 hour away from the Philippines? Ha ha." Sarkastiko kong sabi at sinara ang zipper ng maleta ko.
"Bakit? Sinabi ko bang nasa Pilipinas siya?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at biglang naexcite.
"Seriously?" Tinanguan niya ako. Tumingin siya sa pinto kaya napatingin rin ako. "OH MY GOSH!" Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya ng sobrang higpit.
"What a very... warm... tight... welcome, Yuriii!" Sabi niya na pilit magsalita dahil sa sobrang higpit ng pagkakayakap ko sa kanya. Wala eh! Masayang-masaya ako eh! Bumitiw ako sa pagkayakap at tumingin sa kanya.
"What are you doing here?" Tanong ko.
"Aba nag-US ka lang ulit, englishera ka na." Sabi niya. Natawa naman kaming dalawa.
"Sorry, can't help it. Nakakahawa. Promise. Tulad lang ng conyo mo, muntik na akong natuluyan noon." Sabi ko. "Ano nga pala ginagawa mo dito?"
"Ano pa? Edi sasama sa lakehouse niyo! Helloooo! Hindi pa ako nakakapunta ng isang lakehouse no!" Sabi niya nang nakapameywang. Napatalon ako at pumalakpak.
"Oh my gosh! Oh my gosh!" Napahinto ako sa pagtatalon at tumingin kay Luke. "Paano naman kaya nalaman ni Sandie Anderson na may outing kami ngayon?" Bumangon si Luke at pinandilatan ako. "Luke?"
"Ah... ano... may open plane ticket kasi ako, just incase kinailangan mo ang tulong ko. Hindi ko nagamit yung isa kaya pinagamit ko na lang sa kanya." Halos mauutal-utal na sabi niya. Mabuti na lang at mukhang hindi napansin ni Sandie yun.
~
Isa-isang binaba ng mga bodyguard namin ang mga bag mula sa van. Nasa airport kami ngayon. Gagamitin namin ang private plane ng business ng stepdad ko, not the mafia's para hindi kami madali ma-trace, papuntang country.
"Wow. You're really rich, Yuri." Sabi ni Sandie nang makapwesto kami sa loob ng plane. Pinagsilbihan naman kami ng mga flight attendant.
![](https://img.wattpad.com/cover/17350051-288-k467608.jpg)
BINABASA MO ANG
200 Stamps
ActionAng kwento ng isang mafia boss na tinaguriang international pop princess na pinabalik ng Pilipinas at nabuhay na parang commoner. Nakilala niya ang isang lalaking hindi niya inasahang gumulo lalo ng dating magulo niyang mundo.