11th Stamp

422 10 0
                                    

11TH STAMP

 

 

4pm na natapos ang workshop nila Benj. Inabutan ko siya ng tuwalya dahil pawis na pawis siya.

"Aba! Mabait ka yata ngayon Louisse?" Pang-aasar ni Kevin.

"Gusto mo malaman kung gaano pa ako kabait?" I glared at him. Nginitian na lang niya ako at kinausap yung PA niya.

"Anong pagkain gusto mo?" Tanong ko kay Benj.

"Fresh taco lang. Dalawahin mo." Sabi niya at naglakad papunta sa suite namin. Oh well. Kinuha ko yung bag niya at isinuot ito sa likod ko. Kumuha ako ng dalawang fresh taco sa buffet at kumuha na rin ng pagkain ko. Dinala ko ito sa suite namin.

"Heto na." Inabot ko sa kanya yung plato ng fresh taco niya. Wala man lang pasalamat.

Haynako Louisse. Kailan ba yan magkakaroon ng manners? Huh? Pero may cute side siya, I will not lie.

"Babalik na tayo sa siyudad bukas. Ayusin mo na ang mga gamit ko ngayon pa lang. Kapag may naiwan, GG ka sa akin." Sabi niya. Inirapan ko lang siya. Hindi naman kailangan ipaalala dahil nagawa ko na kanina pa umaga. Alam ko kaya ang schedule niya. Pff.

"Nagawa ko na." Sabi ko at nilantakan yung pagkain. Naramdaman ko namang tiningnan niya ako. "Kumain ka na diyan. Ibabalik ko pa yung plato mo."

***

"HOY LOUISSE! Bilhan mo ako ng lunch. Ayaw ko yung pagkain dito." Utos ng magaling kong amo.

2 weeks since we came home from that resort. Busy na naman sa photoshoot at pagbabar tong lalaking to. Haay Louisse. Di ka pa nasanay.

"Oo na. Oo!" Sabi ko. Lumabas ako ng studio at pumasok sa elevator. Magsasara na sana yung elevator door nang pumasok si Luke.

"Oh? Luke! Saan punta mo?" Tanong ko sa kanya.

"Appointment. Mushroom model lang kasi ako diba?" Sabi niya tapos nginitian ako. Oo nga naman Louisse. Mushroom model lang siya kaya minsan mo lang siya makita. Haaaaaaaay.

*TING* Bumukas yung elevator door sa groundfloor at lumabas kaming dalawa. Nagpaalam na ako sa kanya dahil tatawid lang naman ako para makabili ng pagkain ng amo kong maarte. Di pa nakontento sa buffet ng company. Parang babae talaga.

"Isang snack box po tapos up-krush, cookies n cream. Atsaka isang overloaded meal B. Large yung drink." Snack box lang akin dahil napopobre ako dito. -____- Utos ng utos pero di ako binibigyan ng pera. Kainis. I still have 173 stamps to work with. "Take out nga pala, ate."

200 StampsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon