32ND STAMP
Okay. I sit here behind the car with my poker face, feet and arms tied together that I can barely move.
"Sigurado ba kayong makakapasok tayo ng ganito?" Tanong ko kay Sandie at kay Luke na nagmamaneho.
"Bodyguards are just bodyguards. Wala silang alam na deep tungkol sa mga boss nila unless sasabihin ng boss. Xavier is a very private person at syempre, mas lalo na ako." Sagot ni Luke.
"Benj, for Yuri." Sabi ni Sandie.
Fine. For Yuri. Kung hindi ko lang yun mahal. Aba syempre! Sino ba namang gustong matalian ang mga paa at kamay? Kahit pa siguro kung shooting ito para sa isang pelikula eh magrereklamo pa rin ako.
Nakarating kami sa mansion ng mga Fuego. Nilagyan ni Luke ng tape ang bibig ko at kinarga ako na parang sako ng bigas.
"Pumikit ka, Guevarra." Utos niya.
"What?"
"Ano? Igoogle translate ko muna?" Sarkastiko niyang tanong. Fine! Pumikit ako at ilang sandali lang, naramdaman ko ang paglakad ni Luke.
This is so awkward. Nakarinig ako ng footsteps.
"Si Sir Luke at si Miss Safira... May dala silang tao, walang malay... Yes, sir. Copy." Dinig kong sabi ng isa sa mga tauhan siguro ng mafia.
"Sir, kailangan niyo po ba ng tulong?"
"No." Malamig na sagot ni Luke. Naramdaman ko muli ang paglakad niya.
"Are you sure they bought it?" Dinig kong bulong ni Sandie.
"Sandie, they're buying it." Sagot ni Luke.
Maya-maya lang binaba ako ni Luke at tinanggal ang tape sa bibig. Muntik na akong napasigaw sa sakit. Mabuti na lang napigilan ko, kung hindi, GG kami. Tinanggal rin nila ang pagkakatali sa akin.
"Ano na ngayon?" Tanong ko.
"Kailangan natin ng baril." Sabi ni Luke.
"Saan naman tayo kukuha ng baril?" Tanong ko. Umalis kami ng camp na walang dala-dala kundi ang mga cellphone namin at ang van.
"Like this." Ngumisi si Sandie at inextend niya yung kamay niya. Nagulat ako nang may tinamaan siyang tauhan. Siniko niya ito sa mukha at sinikmuraan, at nawalan ito ng malay. Nakakuha si Sandie ng dalawang baril. "Too easy." Ngumiti siya ng ngiting tagumpay.
Pinagtulungan naming tatlo na itago yung binugbog ni Sandie sa isang closet. Binigay ni Sandie ang isang baril kay Luke at isa sa akin.
"Paano ka?" Tanong ko. Babae pa naman.
"Martial arts, Benj. 11 years of training." Pagmamalaki niya pero pinitik ni Luke yung noo niya kaya naman napa-Aw siya.
"Martial arts mo mukha mo. Heto, kunin mo na yung sa'kin tutal ikaw rin naman ang nag-effort na kumuha." Sabi ni Luke at inipit sa waist band ng pantalon ni Sandie yung baril. Napansin ko naman ang pamumula ni Sandie. "Tara."
Naunang maglakad si Luke. Hawak-hawak ni Sandie ang baril niya, handang magpaputok kung sakaling may susulong. Kaya naman ginaya ko siya. Kinuha ko ang baril ko at kinasa ito.
BINABASA MO ANG
200 Stamps
ActionAng kwento ng isang mafia boss na tinaguriang international pop princess na pinabalik ng Pilipinas at nabuhay na parang commoner. Nakilala niya ang isang lalaking hindi niya inasahang gumulo lalo ng dating magulo niyang mundo.