Episode 31🌸

1.5K 108 17
                                    


Episode Thirty-One 🌸

Matyaga siyang nakatayo sa labas ng silid na kanyang binabantayan. Kahit na pinagpapawisan na sya dahil sa suot nyang armor.

Ayaw nya sanang magsuot nito ngunit kailangan niya.

Pagod na sya sa kakatayo at nagugutom na rin ngunit wala syang magawa dahil trabaho nya ito.

He could only sigh and glanced at the closed door. Ngunit agad din syang napaayos ng tayo dahil sa bigla itong bumukas.

Lumabas rito ang isang tagasilbi na babae at lumapit sakanya. Nakangiti itong tumingin sakanyang mukha na natatakpan ng maskara ang kanyang bibig at ibang parte ng kanyang ilong ganun na din ang kanyang pisngi.

"Hello pogi! Alam ko naman na pogi ka" panimula ng tagasilbi at tumawa pa ng mahina.

"Halika't pumasok sa loob, gusto ng mahal na prinsesa na sabayan natin sya sa pagkain. Alam nya rin kasing pagod at gutom ka na." Paliwanag nito na nakapagpagulat sa binata. Napataas pa ang kanyang isang kilay dahil sa pagtataka.

'Nakilala nya kaya ako?' tanong nya sa isip nya.

"Sige na! Alam kong nagtataka ka pero sadyang mabait lang talaga ang amo ko. Ang swerte ko noh?" Kinikilig na sambit ni Dia.

Hindi nya alam kung bakit komportable sya sa lalaking ito. Para kasing okay lang itong pagsabihan ng mga gusto nyang sabihin dahil alam nyang hindi siya neto huhusgahan.

"Pasensya na, ngunit hindi ako maaaring pumasok sa loob lalo na ang sumabay sa pagkain—" bago pa man matapos ni Lu ang sasabihin ay umalingawngaw naman ang di pagsang-ayon ng kanyang tiyan.

Napatawa na lamang si Dia at walang alinlangan na hinila ang lalake papasok sa silid kung nasaan si Xyraen.

***

"Lu-gege?!" Gulat na sigaw ni Xyraen ng makita ang buong mukha ng lalakeng Imperial Guard ngunit kilala nya pala.

"Gege? Quit it. Tsk." usal ni Lu at prenteng umupo kaharap ni Xyraen at sa lamesa kung nasan ang mga pagkain.

Nagningning pa ang mga mata ng lalake dahil sa mga pagkain ngunit si Xyraen naman ay hindi halos makakilos sa gulat.

Kumilos lamang sya akmang kukuha na ng pagkain si Lu. Agad nyang tinampal ang kamay nito at sinamaan ng tingin.

"Aantayin natin si Dia" madiin nyang sabi kaya uminom na lamang ng wine si Lu.

"Bakit ka ba nandito?" Xyraen asked pagkatapos uminom ni Lu.

Napangisi naman ang lalake.

"Kasi trabaho ko 'to." Simpleng sagot nya.

Xyraen lifted her right eyebrow and looked at him suspiciously.

"I doubt it. Alam kong hindi ka isang ordinaryong sundalo or kung ano man. Alam kong isa kang anak-mayaman." She stated factly but Lu, only laughed at her.

"Kung anak-mayaman kami ng kapatid ko. Bakit naman kami magtitiis ng kapatid kong magutom sa lansangan? At magtiis pakisamahan ka dahil nilibre mo kami?"

REBIRTH: Xyraen's FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon