Episode 23 🌸

1.5K 99 4
                                    

Dedicated to: @Chibi_ibib
LunaScheelite and @autumnseasongirl

SALAMAT 😍❤️

Episode Twenty-Three 🌸

At the side of the street stood an old-fashioned stall that sells lanterns and hairpins. There are many customers lined up just to buy the lanterns that were beautifully decorated and displayed.

"Mister, three lanterns please." Magalang na sambit ni Xyraen sa isang middle-aged man na nagtitinda ng lanterns at syang may-ari ng stall. Si Xyraen kasi ang sumunod sa isang mag-ina na bumili rin ng lantern. The vendor smiled at the young lady widely at napatingin din ito sa batang lalaki na kasama ng dalaga at kasalukuyan na kumakain ng cotton candy.

"Right away, Miss." he said at tumalikod upang kumuha ng lantern.

Tumango si Xyraen sa lalaki at saka panandaliang binitawan ang kamay ni Kyou upang kumuha ng pera sakanyang bulsa.

Ngunit habang ginagawa ito ni Xyraen ay muling bumalik ang lalaking nagtitinda sakanilang harapan. Agad napansin ni Xyraen na dalawa lamang ang dala nitong  lantern. Malungkot din ang mukha ng lalaki.

"Pasensya na Miss ngunit dalawa na lamang ang natitira sa mga lantern na paninda ko." He apologetically said.

Nang marinig ito ng mga taong nakapila sa likuran ni Xyraen ay kaagad umani ito ng reklamo at saka sila nagsi-alisan kaya si Xyraen at Kyou na lamang ang natira.

"Pasensya na talaga, ngunit kukunin mo ba itong dalawa?" tanong ng lalaki. Xyraen sighed and looked at Kyou that seems like he's lost in his own world while eating the cotton candy.

Nang walang makuha na reaksyon mula sa bata ay muling tumingin si Xyraen sa lalaki at tumango.

"It's fine. We'll take it." She said with a smile on her face. Ngumiti rin pabalik ang lalaki at tsaka ibinigay kay Xyraen ang lanterns. Pagkatapos itong bayaran ni Xyraen ay kaagad silang naglakad pabalik sa pwesto nila kanina kung saan kitang-kita nila ang mga taong nagpapalipad ng kanilang mga lanterns.

"Where is your brother?" takang tanong ni Xyraen habang tumitingin-tingin sa paligid ngunit nagkibit-balikat lamang ang bata bilang sagot.

"Should we wait for him? Or we'll light this lanterns without him?" tanong nya muli at nakatanggap naman sya ng tango mula kay Kyou. Ngunit napabuntong-hininga pa rin si Xyraen. Hindi nya kasi alam kung alin sa tanong nya ang sinang-ayunan nito.

"Fine. We'll wait for him. You can finish your candy first while watching the lanterns in the sky. It's better right?"

Xyraen looked at Kyou ngunit naagaw ang kanyang pansin ng makita si Lu na tumatakbo papalapit sakanila. Nang makarating ito ay kaagad nitong hinablot si Kyou.

"We have to go. We'll repay your kindness in the future. Thank you for today"

Nagulat si Xyraen sa biglaan na sambit ng lalaki. She can see the rush on his face and the shocked yet knowing look of Kyou.

"B-but the lanterns—" she tried to stop them ngunit naglakad na ang mga ito papalayo.

Xyraen could only stare at their backs confused and shocked.

REBIRTH: Xyraen's FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon