Episode Two 🌸Napasinghap si Xyraen at agad napabalikwas. Nahilo pa sya dahil sa biglaan nyang pagbangon kaya napahawak sya sakanyang ulo. Narinig naman nyang bumukas ang pintuan ng silid na kanyang kinalalagyan.
"Young lady, gising ka na!" Narinig nya ang masiglang boses ng isang babae. Tiningnan nya ito at muli ay napasinghap sya.
"Anya?!" Gulat na tanong nya rito. Tumango naman si Anya habang nakangiti pa rin sakanya.
"P-paano?" She murmured. Kinapa nya ang kanyang leeg ngunit hindi nya makapa ang kanyang sugat roon. Tiningnan nya rin si Anya na wala ring sugat.
Napaisip sya. Siguradong patay na sya. Pero bakit parang bumalik sya sa nakaraan?
Inilibot nya ang kanyang paningin at napagtanto nyang nandito sya sakanyang kwarto ng dati nyang bahay. Wala sya sa palasyo dahil hindi ito katulad ng kwarto nya doon.
"Buti naman at nagising na kayo young lady! Sobra akong nag-alala dahil dalawang araw ka'ng nilagnat at walang malay."
She gasped. Naaalala nya ang pangyayaring ito! Nangyari na ito noon.
Hindi kaya?
Nanginginig nyang hinawakan ang kanyang mukha bago nagsalita.
"A-anong petsa ngayon?" She asked.
Agad naman syang sinagot ni Anya.
"Ika-dalawampung pito ng Abril ngayon, young lady."
Napapikit sya. Confirmed! She's alive and she came back to the past!
Napaiyak na lamang sya dahil sa reyalisasyon na nabigyan sya muli ng ikalawang pagkakataon upang mabuhay at ganon rin si Anya.
Dali-dali nyang niyakap si Anya ng mahigpit. Naaalala nya ang sinapit nilang dalawa sa dati nilang buhay.
"I'm glad you're alive! I promise this time I will protect you!" humahagulgol na bulong nya kay Anya. Hindi man nya maintindihan at naguguluhan man, napangiti na lamang si Anya dahil sa sinabi ni Xyraen.
"May masakit po ba sainyo, young lady?" Tanong ni Anya pagkatapos umiyak ni Xyraen. Umiling naman ang dalaga.
Naalala nyang nagkaroon sya ng lagnat dahil sa pagtakas nya upang maglaro sa ulan. Nang malaman iyon ng kanyang ama ay nakatanggap sya ng parusa na nagging sanhi ng kanyang lagnat.
Alam nyang wala ni isa sa mga kapatid nya at magulang ang dumalaw man lang sakanya. Tanging mga maids at si Anya lang ang nag-asikaso sakanya. Mapait syang napangiti.
Bukas ay ang kanyang 19th birthday at ang araw kung saan ipapakilala na sakanya ang kanyang mapapangasawa. Naalala nyang tumakas sya ng araw na iyon at doon nya nakita ang prinsipe na minahal nya at tinulungan pero sa huli ng wala na syang pakinabang para dito ay trinaydor sya at ipinapatay.
She sighed. Ano kaya kung tatanggapin nya ang lalaking mapapangasawa nya bukas? May tsansa kayang hindi nya sasapitin ang naranasan nya noon?
Isa pa, pinagsisisihan na nya ang nagawa nya noon. Sisiguraduhin nyang hindi na nya tatahakin pa ang landas na tinahak nya noon.
BINABASA MO ANG
REBIRTH: Xyraen's Fate
General FictionRebirth: Xyraen's Fate 🌸 Xyraen Alexia Nazario, the third daughter of Marquess Alexander-the most trusted Duke of the Emperor. Just like her older sisters, she is also a beauty but unlike them she's the least favored by her father and mother. Despi...