Episode 9 🌸

1.9K 122 1
                                    


Episode Nine 🌸

Napabuga ako ng hininga dahil sa inis dahil basta na lamang akong iniwan ng lalaking iyon. Pinasadahan ko na lang ng tingin ang buong silid tanggapan. Nakakamangha ang disenyo nito at talagang napakaganda.

Hindi ko alam na may mansyon pala rito sa gitna ng gubat. Sabagay, hindi naman ako nagawi rito kahit pa noong nasa dati ko pang buhay.

Nagtaka ako dahil sa sobrang tahimik ng mansyon. Asan ang mga tao rito? Bakit walang mga katulong? At nasan ang prinsipe?

I gritted my teeth. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang plinaplano ng prinsipe na iyon. Napa upo na lamang ako sa isa sa mga sofa at tumitig sa mga paintings na nakasabit bilang palamuti.

I smiled. Napakaganda ng paintings. Sino kaya ang gumawa nito?

Napatingin ako sa aking kaliwa ng marinig ang mga yapak na papalapit. Nakita ko ang isang may edad ng lalaki. Naka uniporme ito na parehas ng mga eunuch. Nang makarating ito sa harap ko ay yumuko ito bago nagsalita.

"Your highness, my name's Eunuch Gil. Please accept my apology for keeping you wait. Please, follow me. The prince is waiting for you."

Wala akong makitang emosyon sa mukha nito pero kalmado lang ito habang nagsasalita. Tumango nalang ako at sumunod sakanya.

Pumunta kami sa isang pasilyo na pinanggalingan nya kanina. Habang naglalakad kami ay nakasunod lamang ako sakanya habang tumitingin-tingin sa mga paintings na nakasabit sa dingding.

"They are beautiful. I guess they've been painted by the best painter in the country. But who could it be? The signature in the paintings is not familiar to me." Di ko na napigilan pa'ng mag-komento at magtanong.

Isa ang pagpipinta sa hilig ko kaya inaalam ko ang mga magagaling na pintor dito sa aming bansa at mapa-karatig bansa man. Memoryado ko ang kanilang mga signature at teknik sa pagpipinta. At base sa mga paintings na nakita ko kanina at ngayon ay iisa lamang ang pintor nito dahil magkapareha lamang ang signatures na nasa mga paintings.

Napahinto ako sa paglalakad ng biglang huminto ang eunuch sa aking harapan. Tumingin ito sa isang painting kaya napatingin rin ako rito.

"Kilala nyo ho ang pintor ng mga paintings na iyan, your highness." sambit nito na nakapagpakunot noo saken.

Kilala? Pero wala talaga akong matandaan na pintor na may ganitong signature.

I sighed. Siguro nga kilala ko nakalimutan ko lang.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at muli ay lumiko kami sa isang pasilyo. Ang pasilyo na ito ay may mga kwarto na hindi katulad kanina na dingding lang talaga. Nagtaka ako ng huminto kami sa isang pintuan na kulay puti. May apat na maids na nakatayo sa gilid nito at katulad ni Eunuch Gil ay wala rin silang mga emosyon sa mukha.

Mukhang hindi nga mapagkakaila na pagmamay-ari nga ang mansyon na ito ng prinsipe dahil katulad nya—wala ring mga emosyon ang mga tagasilbi nya.

"Your highness, sila ang mag-aasikaso sayo ngayon at sila na rin ang maghahatid sayo sa prinsipe."

Kunot noo ko'ng tiningnan ang eunuch.

REBIRTH: Xyraen's FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon