Episode 26🌸

1.4K 88 3
                                    


[A/N: I am very sorry for not updating for too long. I was admitted in the hospital due to bleeding. But, thankfully, I got discharged now but still needed to take some meds and take rest. However, I am deeply thankful for those who waited, voted, and added my book in their reading lists. THANK YOU FROM THE BOTTOM OF MY HEART ❤️ Keep safe and God bless everyone 🥰]

Episode Twenty-Six 🌸

"I don't want the title in the first place, mother. If it burdens you, I can just give it up. How's that?" Xyraen said as if it's nothing that made Liangyi gasped.

"Wh-what? Are you sure?" Gulat na tanong ni Liangyi ngunit masaya ang himig ng boses nito.

Hindi umimik si Xyraen at pinagmasdan lamang ang kanyang ina na mukhang nanalo sa isang paligsahan.

Nang mapansin ito ni Liangyi ay agad itong napatikhim at muling ibinalik ang masungit nitong ekspresyon.

"Sigurado ka ba sa iyong sinasabi? At kung oo, ano ang kapalit nito?" Liangyi

Xyraen nodded her head before answering..

"Si Anya" she replied like it's very obvious.

Natawa si Liangyi sa tinuran ng anak at tiningnan ito na parang nababaliw.

"Ito ang rason kung bakit ikaw ang pinaka-ayaw ko sa inyong magkakapatid. Akala ko pa naman ay nagbago ka na ngunit mukhang hindi ka na talaga magbabago pa. Mahina ka pa rin at hindi matalino. Hanggang ngayon ay wala ka pang naitutulong sa pamilya natin kundi puro kahihiyan!" Litanya ng ginang ngunit nanatiling tahimik si Xyraen. Tinanggap nya lahat ng sinabi ng kanyang ina ngunit alam nyang hindi sya nito naapektuhan.

"Napakababaw ng iyong rason. Ipagpapalit mo ang pagiging prinsesa para lamang sa buhay ng isang tagasilbi! Ano na lamang ang sasabihin ng mga tao sa pamilya natin? Na mababaw tayo?! Hindi ka ba nag-iisip?!" Ngayo'y galit ng sambit ng ginang.

Ngunit hindi naapektuhan ang dalaga bagkus ay tumango lamang ito na parang wala lang sakanya ang pinagsasabi ng kanyang ina.

"At bakit naman nila malalaman ang tunay na dahilan, ina? Hindi ba't eksperto naman kayo sa pagmamanipula?"

Nagulat si Liangyi sa isinagot ng anak at napatiim-bagang dahil sa huling sinabi nito. Hindi sya nakasagot kaya muling nagsalita si Xyraen.

"Ang akin lang naman ay pagiging prinsesa ko kapalit ng buhay ni Anya. At hindi na ito kailangan pang malaman ng iba bilang tunay na dahilan. Nasa inyo na kung anong dahilan ang gusto nyong ipalabas" She said it firmly. At mukhang nagustuhan ng ginang ang iminungkahi ng anak kaya napangisi ito.

"Kung ganon, paano ang prinsipe?" tanong ng ginang. But Xyraen chuckled before replying.

"Sa pagkakaalam ko pagiging prinsesa ko lamang ang gusto nyong mawala saakin at hindi mo kailanman binanggit ang tungkol sa prinsipe. Ngunit, kung kaya nyong baguhin ang ginawang pangako ng mahal na hari... gawin nyo ang gusto nyo." Pagkatapos sabihin iyon ni Xyraen ay naglakad na ito palabas ng silid ngunit bago pa sya tuloyang makalabas rito ay muling nagsalita ang kanyang ina.

"Magbihis ka dahil ngayon din ay isusuko mo ang pagiging prinsesa at ililipat ito sa ate Lian mo."

Hindi na sumagot pa si Xyraen at tuloyan ng lumabas. Agad syang sinalubong ni Dia na kanina pa nag-aalala para sakanya.

REBIRTH: Xyraen's FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon