Episode 6 🌸

2.3K 117 2
                                    



Episode Six 🌸

Days had passed just like an ordinary days for Xyraen. Pagkatapos ng birthday banquet nya ay nanatili lamang sya sa living quarter nya o di kaya ay sa library. Balik na naman sakanyang dating nakagawian.

Hindi sya pinuntahan o ipinatawag man lang ng kanyang mga magulang. But she knows that one of the these days her parents will call her.

At isa pa, hindi rin siya binisita man lang ng kanyang fiancé pero mas gusto pa ni Xyraen na ganito. Hindi pa sya handang harapin ang prinsipe. Hindi nya alam kung paano makikitungo dito lalo na't malaking kasalanan ang nagawa nya dito sa dati nyang buhay.

Sya lang naman kasi ang nagplano kung paano ito patayin.

In her past life, kilala bilang isang magiting at magaling na prinsipe si Rinyue. Halos lahat iniidolo sya lalo na't Wala pa itong digmaan na hindi nito naipanalo. He was once known as the God of War. Gayunpaman, hindi ito Agad na inihirang ng Emperor bilang Crown Prince dahil nakikita nyang hindi interesado si Rinyue na pumalit sa pwesto nya. He was left to choose Yuan pero hindi nya rin ginawa dahil kahit matalino si Yuan, nakita nya kung gaano nito tratuhin ang nasasakupan. Yuan does not have the heart and the strength of an Emperor.

The Emperor decided to force Rinyue to be the Crown Prince. At nalaman ito kaagad ni Yuan. He was furious dahil ang ipinangako ng Emperor na mamimili sya sakanyang mga anak base sa mga taong sumusuporta dito ay hindi naituloy. Yuan was on the verge of having more supporters than Rinyue dahil na rin sa mautak ito. Ngunit narinig ni Yuan ang ama na si Rinyue ang gusto nitong maging Crown Prince.

Nang malaman rin ito ni Xyraen ay agad syang nag-isip ng plano. Mautak man si Yuan ngunit mas mautak si Xyraen. Nang inilahad ni Yuan ang mga plano nito kay Xyraen ay agad nya itong hindi sinang-ayonan. Dahil lahat lang naman ng plano ni Yuan ay palpak at ang kalalabasan ay sya ang mapagbibintangan.

Kaya sa gabing iyon, inilahad ni Xyraen ang kanyang plano.

Ang plano na patayin si Rinyue na hindi si Yuan ang mapagbibintangan.

[Flashback]

Isang kawal ang nagmamadaling pumasok sa bulwagan kung nasaan ang trono ng Emperor. Kasalukuyang nagpupulong ang mga Ministro at Marquess kasama ang Imperial Family ngunit natigil ito ng biglang pumasok ang isang kawal.

Lumuhod ito sa harapan ng Emperor.

"Your majesty! Patawarin nyo po ako kung bigla akong pumasok ngunit may balita po ako at nasisiguro ko'ng magiging malaking problema ito sa kaharian." Nanginginig na saad nito.

Napasinghap ang mga ministro sa narinig at nagbulongan. Bigla ring sumeryoso ang mukha ng Emperor. Itinaas nito ang kanyang kamay kaya napatahimik ang mga nagbubulongan.

"Proceed" Utos nito sa kawal kaya tumango ang kawal at isinawalat nito ang balita.

"Nasa West Border po ang aming grupo dahil doon kami inatasan na magbantay. Normal naman po lahat simula ng madestino kami doon ngunit nitong kamakailan lang, napag-alaman namin na may mga batang lalaki ang nawawala sa mga lugar malapit doon." Napasinghap ang Empress sa narinig.

"Nag-imbestiga po kami at napag-alaman namin na dinudukot ng mga rebelde ang mga batang kalalakihan at ginagawang kasapi nila. Nagmatyag kami ng ilang araw at nasundan namin ang isa sa mga rebelde patungo sa kanilang hideout ngunit hindi pa kami tuluyang nakarating ay naharang na po kami. Tatlo na lamang po kaming natira at nakatakas." Pagpapatuloy nito. Kita sa mukha nito na labis itong nasasaktan sa pagkawala ng kasamahan nito.

REBIRTH: Xyraen's FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon