Episode Thirty Four 🌸"Magandang umaga, mahal na prinsesa." Masiglang bati ni Dia mula sa labas ng kwarto ni Xyraen. Dala-dala nito ang pamunas ng dalaga. Mag-aalas syete na ng umaga kaya kailangan na ni Dia ihanda si Xyraen para sa lakad nito ngayong araw kasama ang prinsipe.
Kumatok muna sya bago tuloyan na pumasok.
Hindi bumati pabalik sakanya ang dalaga na lagi nitong ginagawa kaya nilapitan ito ni Dia at nakitang tulala lamang ang prinsesa sa kawalan.
Napa-iling na lamang si Dia dahil halatang walang maayos na tulog ang dalaga.
"Epekto ba iyan ng pagmamahal?" Natatawang sambit ni Dia habang inaayos ang mga kailangan ni Xyraen.
Nakuha nito ang atensyon ng dalaga na agad napatingin kay Dia.
"Anong ibig mong sabihin?" Halatang gulong-gulo ang prinsesa. Napangiti si Dia sa nasasaksihan.
"Sabi kasi saken ng aking ina na kapag ikaw ay hindi nakakatulog o nakakakain ng maayos dahil sa kakaisip sa iisang tao ay maaring mahal mo ito." Kaswal na sabi nya.
Napabuga naman ng hangin si Xyraen at pabagsak na napahiga ulit.
"Pano mo naman nasabi na dahil ito sa kakaisip ko sa iisang tao? Tsaka hindi ba pwedeng hindi ka makatulog dahil sa problema o di kaya dahil sa mga pangyayari kagabi? Mahal agad?"
Napatango si Dia at napaisip.
"Ngunit saang parte ba ng pangyayari kagabi ang hindi mawala sa isip mo, mahal na prinsesa?" May himig na tukso na balik tanong nya rito kaya nagulat ang prinsesa na tila ba may natamaan si Dia.
"E-ewan ko sayo!" Parang batang maktol ni Xyraen kaya natawa na lamang ang huli.
"Oo nga pala, ngayon nyo sisimulan ang inyong misyon, hindi po ba?"
Napaayos ng upo si Xyraen at iniabot ang maliit na palanggana kung nasaan ang pamunas sa mukha.
"Oo at nais kong simple lamang ang isusuot ngayon hanggat sa maari ay ayaw kong makakuha ng atensyon. Gusto ko munang magmasid at kilalanin ang lugar."
"Masusunod, mahal na prinsesa."
Pagkatapos ng isang oras ay tapos ng magbihis si Xyraen. Nakasuot lang sya ng simpleng damit ngunit maganda pa din ang desenyo nito. Kahit ganon ay tiyak na mapapalingon pa din ang mga tao sakanya kaya naisipan nyang magsuot ng puting veil. Natatakpan nito ang kanyang ilong at bibig, tanging kanyang mga mata lamang ang nakikita.
"Pano po pala ang mahal na prinsipe? Hindi ba't dapat kayong magkasama ngayon?" Tanong ni Dia habang inaayos ang damit ni Xyraen.
Narinig nyang napabuntong hininga ang dalaga bago ito sumagot.
"Mas gusto ko munang mag isa ngayon. Panigurado kapag kasama sya ay maraming kawal na nakasunod. Masyadong agaw atensyon." May himig na pagka inis sa boses ng dalaga kaya napa-iling na lamang si Dia.
"Pero delikado po para sa inyo na mag isa lang. Kahit kasama mo ako kailangan nyo pa din ng kawal na kasama."
Agad naman na may naalala si Dia kaya pumunta sya sa harapan ni Xyraen na may malawak na ngiti.
BINABASA MO ANG
REBIRTH: Xyraen's Fate
General FictionRebirth: Xyraen's Fate 🌸 Xyraen Alexia Nazario, the third daughter of Marquess Alexander-the most trusted Duke of the Emperor. Just like her older sisters, she is also a beauty but unlike them she's the least favored by her father and mother. Despi...