Episode 35 🌸

1K 66 12
                                    

Episode Thirty Five 🌸

"Tahan na. Bibilhan natin sya ng gamot. Asan ba mama mo?" Agad na hinila ng bata si Xyraen at nagpatiuna naman ang huli.

Nakarating sila sa labas ng isang pampublikong pagamutan.

"Nandyan po sa loob ang mama ko" naiiyak pa ring sambit ng bata. Napahinga ng malalim si Xyraen at napatingin sa pagamutan.

Mukhang luma na ang establishemento. Sira-sira ang nagsisilbing gate nito kaya kitang kita sa loob ang mga pasyenteng nasa labas na nakahiga dahil sa malamang ay hindi na magkasya ang mga ito sa loob. Makikita rin ang iilan lamang na manggagamot at katulong nito na natataranta na.

Hindi maiwasan ni Xyraen na makaramdam ng inis sa mga opisyal ng lugar na ito. Habang sila ay nagpapakasaya at nagpapayaman, heto't hindi man lang binigyang pansin ang pagamutan.

Natigil si Xyraen sa pag obserba sa lugar ng makaramdam ng mumunting hila sakanyang damit.

"Gusto ko na pong makita ang mama ko" paiyak na sabi ng bata.

Magsasalita na sana si Xyraen ng biglang may isang lalaki na mula sa loob ng pagamutan ang sumigaw.

"Hoy bata! Hindi ba't sabi ko sayo na huwag ka munang pumunta rito dahil mapanganib sa isang tulad mo! Parang awa mo na, huwag ka na sanang dumagdag pa sa mga pasyente rito!" Sigaw ng lalaki habang nakatingin sa batang kasama nya, na marahil ay isa sa katulong ng mga doktor dahil may dala pa itong planggana at mga herbs. Nakasuot ito ng tela na natatakpan ang kanyang ilong at bibig na sya ring napansin nya sa iba pang naroroon.

"Ayoko! Gusto kong makita ang mama ko! Isa pa wala na akong mapupuntahan" umiiyak na sigaw ng bata.

Sumikip ang kanyang dibdib dahil sa narinig. Awang-awa sya sa bata at nasasaktan sya para rito.

"Tahan na." Malumanay nyang sambit dito at lumebel sa bata. Hinawi nya ang buhok nito na tumatakip na sa mukha at saka pinunasan ang luha nito.

"Tama ang Ginoo, mapanganib sa iyong kalusugan kung pupunta ka sa loob. Ang sakit na nandoon ay nakakahawa at alam kong ayaw ng iyong ina na magkasakit ka, mas maiging lumayo ka muna hanggang sa makahanap sila ng lunas para sa sakit at tiyak na gagaling ang iyong ina. Pag nangyari iyon! Makikita mo na sya ulit!" Malumanay na litanya nya sa bata at sa huli ay sumigla ang kanyang boses sa isiping magkikita muli ang mag-ina.

"Ngunit wala po akong ibang mapupuntahan. Wala ho kaming bahay at kaming dalawa lang ng inang sa buhay." Malungkot na sambit nito. Tumigil na ito sa pag-iyak at mukhang naiintindihan nito ang sinabi ng dalaga kanina.

"Huwag kang mag-alala ako ang bahala sayo. Sa ngayon, maaari ko bang malaman ang pangalan mo?"

"Lenlen po ang pangalan ko" sagot ng bata na ngayon ay nakangiti na.

"Lenlen, kay gandang pangalan. Ako naman si Ate Xyraen. Mula ngayon ay magkaibigan na tayo. At habang nagpapagaling pa ang iyong ina, ako na muna ang mag-aalaga sa iyo. Okay ba?" Sandaling tinanggal ni Xyraen ang kanyang veil upang makita ng bata ang kanyang buong mukha. Nagulat naman si Lenlen dahil sa ganda ni Xyraen.

"Ang ganda nyo po!" Manghang-mangha na sambit ng bata. Napangiti na lamang si Xyraen habang ibinabalik muli ang veil.

"Ikaw din naman" napa-giggle na lamang ang bata.

REBIRTH: Xyraen's FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon