[A/N: Pasensya na kung ngayon na lang ulit nakapag-update. Promise babawi ako 😊 Btw, special thanks to sanirose for the votes ☺️]
Episode Eight 🌸
"By then, will you be the one to escort me on the day of our wedding?"
Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. Silenced filled the entire room after I said that. I stayed in my position still kneeling while looking at him intently.
Ilang sandali pa ay tumawa ito ng mahina. Inirapan ko ito dahil sa inis at tumayo na. Inayos ko ang damit ko bago umupo ulit sa pwesto ko kanina.
"Fine" he answered kaya tiningnan ko ito ng nakataas ang isang kilay. He's just staring at me pero alam kong may sasabihin pa ito.
"But in one condition" he finally said. I snorted then motioned him to continue speaking.
"Sa loob ng tatlong buwan kapag nandito ako sa kaharian. Kung saan ako pupunta dapat kasama ka."
I frowned.
"Are you planning to make me one of your personal maids?"
Pinanliitan ko sya ng mata ng tumayo ito at inayos ang kanyang suot. Naglakad na ito patungo sa pintuan.
Akala ko hindi na ako sasagutin nito pero ng akmang lalabas na sya ay nagsalita ito.
"Of course not. You're just doing your job as my fiancé."
I bit my lips nang maalala muli ang usapan namin ng prinsipe.
Why do I feel like mali ang desisyon ko na hindi na muna tumira sa palasyo? No! Erase! Mas ayaw ko pang tumira doon!
"Your highness, nandito po ang isang eunuch galing sa palasyo. Papasukin ko na po ba?"
Tumango ako sa isa sa mga maid ko, senyales na pumapayag akong papasukin ang eunuch. Nandito ako ngayon sa study room ko. It's been days simula ng mangyari ang pag-uusap namin ni Rinyue.
Sinunod nya nga ang pakiusap ko kaya ang eunuch ng palace ang naghahatid ng mga dapat kong trabahuin dito sa mansyon namin. Dito pa rin ako nakatira at pumayag din ang Emperor at Empress ngunit nagalit naman saken ang magulang ko dahil napakawalanghiya raw ng ginawa ko.
But I didn't care.
Nakakapagtaka rin na hindi pa ako pinapatawag ni Rinyue para sumama sa mga lakad nya. Bilang isang commander at prinsipe marami itong mga imbitasyon kapag nandito ito sa capital dahil minsan lang ito nauwi rito. Dahil sa trabaho nito na laging nasa battlefield o di kaya ay nasa borders ng kaharian upang masigurong walang mga rebelde o taga ibang kaharian ang makakapasok. Kaya kapag umuuwi ito rito sa kaharian ay marami itong imbitasyon mula sa mga ministro at ka-alyansa ng kaharian mapa-selebrasyon o kahit ano'ng klase ng pagtitipon.
"Greetings, your highness" bati saken ng eunuch ng makapasok ito. Tumango ako dito at agad naman nitong inilagay sa lamesa ko ang mga scrolls na dapat kong basahin. Pagkatapos ay tumayo ito sa harapan ko. Akala ko ay magpapaalam na ito pero hindi pa pala.
"Your highness, the Fourth Prince wants you to know that tomorrow, his personal bodyguard will come." May inabot ito saakin na isang maliit na scroll.
"And he also wants me to give this to you."
Kinuha ko naman ang iniabot nito at ngumiti sakanya ng tipid.
"Thank you Eunuch Li." Nagulat pa ito ng banggitin ko iyon pero kalaunan din ay ngumiti ito pabalik saakin.
BINABASA MO ANG
REBIRTH: Xyraen's Fate
Fiksi UmumRebirth: Xyraen's Fate 🌸 Xyraen Alexia Nazario, the third daughter of Marquess Alexander-the most trusted Duke of the Emperor. Just like her older sisters, she is also a beauty but unlike them she's the least favored by her father and mother. Despi...