Episode 36🌸

877 63 10
                                    

[A/N: Hello! Sorry sa sobrang tagal na update. Andami kasing nangyari sakin, nagkasakit kasi ako pero nagpapagaling naman na ako ngayon. Pasensya na talaga. At madaming salamat sa mga naghintay, nagbasa, bumoto, nagkomento at nag-follow sakin. Sobrang nakakataba ng puso. Gagawin ko po ang makakaya ko na makapag-update ng mas mabilis simula ngayon.
Merry Christmas and Advance Happy New Year! God bless sa inyong lahat!  Enjoy!]

Episode Thirty Six 🌸

May isang lalaki ang nadatnan nya doon na tinitingnan ang mga dahon.

"Doktor ka ba?" Tanong nya rito na nakapagpagulantang sa lalaki. Napatitig ito sakanya.

"Doktor ka ba? Alam mo ba ang ginagawa mo?" Tanong nya ulit dito.

"Hindi. Anong ginagawa mo rito?" Sagot naman ng lalaki.

Si Xyraen naman ngayon ang hindi makapagsalita at gulat na gulat.

Hindi maaring magkamali si Xyraen. Ang boses nito at lalo na ang mga mata ay pamilyar sakanya. May takip ito sa mukha katulad nya ngunit kitang kitang nya ang mga mata nito.

"What are you doing here Xia-er?" Ulit nito sa tanong at lumapit na sakanya. Katulad nya ay nakasuot rin ito ng simpleng damit. Hindi mo aakalaing isa itong prinsipe.

"R-rinyue" banggit nya sa pangalan nito. Tumango ito sakanya ngunit nakakunot pa rin ang noo. Hinihintay nito ang kanyang sagot.

"Nandito ako para tumulong." Simpleng sagot nya at agad na ibinuhos ang atensyon sa mga herbs.

Inaamoy nya ang mga ito at tinitingnan na rin ang mga pinapakuluan.

"Too dangerous for your health. Go home now." Malamig na utos ni Rinyue. Hindi ito pinakinggan ni Xyraen at ipinagpatuloy lamang ang ginagawa.

"Alexia" banggit nito sakanyang pangalan na may pagbabantang tono kaya napalingon sya rito.

"Andito ako para tumulong. Ayokong tumulad sa mga opisyal dito na walang ginagawa kundi magpakalunod sa kayamanan." Walang emosyon nya ring sambit sa binata.

Walang nagawa si Rinyue kundi tingnan na lamang si Xyraen.

"Masyadong mahina ang mga gamot na nandidito marahil ay walang perang nakalaan para sa pagbili ng mas epektibong gamot at kulang rin ang mga kagamitan lalo na ang mga tauhan." komento ni Xyraen kaya napatango naman ang binata.

"I've already ordered someone to bring more herbs and supplies." Huminto ito at tiningnan ang dalaga.

"The physicians that father sent here would've been a great help but I will order some of my men to assist the doctors"

Napatango naman si Xyraen. Mukhang kanina pa nandito ang binata at nakapagplano na.

"Ako na ang bahala sa dagdag na mga doktor."

Gulat na napatingin si Rinyue kay Xyraen.

"How?"

"You'll know soon." A smirk crept into Xyraen's lips.

Bigla namang may dumating na isa pang binata.

REBIRTH: Xyraen's FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon