Episode 11 🌸

1.9K 93 6
                                    


Episode Eleven 🌸

I groaned when the sunlight hit my face. Tinakpan ko ng kumot ang aking mukha upang matulog sana ulit ngunit napaigik lamang ako ng biglaan ko'ng ginalaw ang aking kaliwang braso.

Nakalimutan ko'ng may sugat pala ako doon. Dahil sa sakit ay napilitan akong bumangon at tiningnan ang sugat ko. Medyo dumugo ito kaya tinanggal ko ang benda na nakapalibot rito at sa braso ko.

Bigla namang bumukas ang pintuan ng silid ko at iniluwa non si Anya na may dalang tray. Nagulat ito ng makita ako at kaagad lumingon sa likod nya. Pakiwari ko'y may iba pang tagasilbi ang nandoon.

"Ako na lamang ang papasok, manatili na lang muna kayo rito. Babalikan ko na lamang ang inyong mga dala" sambit ni Anya sa mga ito at dagli ito'ng pumasok sa silid ko at isinara ang pintuan.

"Gising ka na pala, young lady. Magandang tanghali" bati nito saakin na sya'ng nagpagulat saakin.

"Tanghali?" Paninigurado ko at tumango naman ito habang inilalapag sa mesa ang dalang tray.

"Opo, mukhang pagod na pagod kayo kagabi kaya hindi na kita ginising kanina" malumanay na sambit nito.

Napakagalang nito saakin at alam ko'ng dahil iyon sa mga tagasilbing nasa labas lamang ng pintuan na maaaring nakikinig saamin.

I sighed then just looked at her ng lumabas muli ito at mukhang kinuha ang mga dala ng mga tagapagsilbi na nasa labas ng silid.

"Sige na, ako na ang bahala sa alaga ko. Magsipag-alisan na muna kayo at mas mabuting tulongan na muna nyo ang punong tagapagsilbi" rinig ko'ng utos ni Anya.

"Masusunod" sabay-sabay na sambit ng mga tagapagsilbi. Narinig ko'ng nagsipag-alisan na nga sila dahil sa mga papalayong mga yapak. Pumasok naman muli si Anya at inilapag ang mga dala.

"Dumudugo na naman ang sugat mo, halika't lilinisan ko muna iyan"

Umiling ako kay Anya at tumayo na mula sa pagkakaupo.

"Maliligo na ako Anya. Pakihanda na lamang ng paliguan ko"

"Pero ang sugat mo—"

"Sige na, malilinisan rin naman ito pag naligo ako tsaka na natin lagyan ng lunas pagkatapos"

Wala na ito'ng nagawa kundi ang sumunod. Humarap naman ako sa salamin at tiningnan ang repleksyon ko.

Namumutla ako at magulo ang aking buhok habang dumudugo naman ang braso ko pero hindi ako nabahala sa halip ay ngumiti pa ako.

Sa hindi malamang dahilan ay parang gumaan ang loob ko.

Siguro ay dahil ito sa isipin na tumatapang na ako lalo pa't nakakaya ko ang sarili ko kahit na may sugat ako.

Alam ko'ng unti-unti ay makakaya ko ng maipagtanggol ang sarili ko at ang mga mahal ko sa buhay. At sa oras na mangyari iyon, sisiguraduhin ko'ng wala ng makakatibag pa saakin.

"Anya!" tawag ko rito ng matapos na akong maligo. Agad naman ito'ng pumasok at binigyan ako ng roba. Sa katunayan ay hindi ko hinahayaang may ibang mag-asikaso saakin habang naliligo  ako maliban na lamang kung kinakailangan o kaya ay wala ako'ng magawa upang tanggihan ito.

REBIRTH: Xyraen's FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon