"Pinakilig ka, pinasaya ka tas sa huli, babalik pa rin siya sa nanakit sa kaniya. Ngee. Nagsayang ng effort!"
- Hugot ni Ara
Pasensya na po sa late na update dahil may mga bagay lang ho akong inasikaso. May buhay pag ibig din ho akong hinaharap :)
--
Ghad! Ilang linggo na akong nasa kumpanya nila pero yung kaba ko di pa rin nawawala. Feeling ko kasi any moment makikita ko si Jomar. Na para bang malalaman na niya lahat.
Siguro naging pathetic na ko kakaisip sa mga ganung bagay. Pero syempre professional ata ako, I know how to act!
Again, andito na naman ako sa opisina ko. Naghihintay na mag five ule. Haha chos! Syempre nagtatrabaho ako.
Pero wala namang araw ang lumipas na hindi ako nililibre ni A-R ng lunch kaya nahihiya na ko.
"Ready na pretty lady?" yan na naman siya sa mga banat niya. Kaya hinampas ko sa braso dahilan para mapa-aww siya.
"Ansakit ha. Sinaktan mo na nga puso ko pati ba naman braso ko? Grabe ka na ah.." tinaasan ko siya ng kilay dahilan para amuin niya ko. haha tengene lang amuin? parang hayop lang. Kidding aside. Inakbayan niya lang naman kasi ako.
"Di ka naman mabiro crush.. Tara na kasi kain na tayo.." sabi niya habang palabas na kami ng area namin.
Nakasalubong naman namin si Jen ng nakangiti. Tss. As if I didn't notice that Jen likes A.R...
"Lunch na kayo?" tanong nito.
"Yeah. Sabay ka samin?" Napansin ko naman na namula si Jen.. Haha so cute. Nang tumango ito ay saka kami sabay na naglakad na tatlo. Yung tatlo kasi naming ka-team, ayun nasa canteen na kung di ba naman PG wala pang lunch break lumabas na.
Papunta na kami sa canteen ng makasalubong ko si Ry- yeah Sir Ryan I mean.
"Good morning sir..." bati naming tatlo, ngumiti naman ito saka bumaling sa akin.
"Good morning din. Can I talk to you Ms. Ara?" tumingin lang ako kina Jen at A.R saka ngumiti at sumunod kay Sir Ryan. Napansin ko naman ang simpleng pag ngiti ni Jen. Aba syempre masosolo niya na si A.r
Pagpasok sa opisina, umupo ako sa visitors chair at saka tumingin rito ng makaupo na sa swivel chair nito.
"Gutom ka na ba?" tanong nito ng bumaling sa akin.
"Di pa naman po.."
"Sige. Dito ka na lang kumain habang nag-uusap tayo.." nakaramdam ako ng kaba nang biglang sumeryoso ang anyo nito.
Kaya wala na kong ibang nagawa kundi ang tumango.
"Kamusta na kayo ni Jomar?" nagulat ako ng bahagya sa tanong niya. Kamusta na daw ba kami? Tss meron pa bang kami ni Jomar? E diba tapos na lahat samin? Tinapos na niya lahat samin six years ago pa diba?
BINABASA MO ANG
Circle Of Love Is Never Ending
RomanceMasaya! Masayang masaya sina Ara at Jomar sa kanilang relasyon pero syempre lahat may hanggan. Lahat nakakagawa ng mali. Paano na nga lang ba ang buhay ng mag ina niya kung may kaniya-kaniya ng buhay.