--
Napayuko ako sa tinanong ni Aica. Oo nga naman, ako siguradong hindi pa nakakamove on dahil mahal ko pa talaga siya pero si Jomar.. Baka nga naka move on na yun pero ang tanong e kung minahal nga ba niya ako talaga noon.
So ano to? One sided love ule?
Ganun na lang ba ule ang estado ng relasyon namin? Katawan ko lang ba uli habol niya then pag nabuntis uli iiwanan uli? Ganun?
Di ko tuloy maiwasan na malungkot sa ideyang yun.
"Sorry bessy kung nasaktan ka sa tanong ko pero diba? Mahirap umasa? Alam kong alam mo yan dahil naranasan mo na yan nung una." napa lip bite uli ako. Pero kasi, kinalimutan ko na yung nangyari noon. Willing na nga akong patawarin siya pero dahil sa sinabi ni Aica napapaisip tuloy ako kung KAYA KO PA NGA BA ang masaktan ule?
"Bessy?" nag-aalalang tanong ni Aica. Ngumiti lang ako then itinuloy ang pagkain ng mansanas.
"Siguro bessy, katangahan na nga ang sasabihin ko pero.." hindi ko pa natutuloy ang sasabihin ko ng marinig namin ang pagdoorbell.
"Si Tita na siguro yan, wait lang bessy." Tumango ako habang patuloy sa pagkain ng mansanas. A few seconds ago ay nagring yung phone ni Aica then nakita kong si Mama ang tumatawag kaya sinagot ko na.
"Dear, I'm sorry to tell this but I'll go home late tonight kasi nainvite ako ng college friend ko e. Pwede ikaw muna magbantay sa mga apo ko?"
"Mom, this is Ara!"
"Oh myBaby.. nandyan ka rin pala."
"Yes mom. I'll take care of my kids, you must enjoy your night with them, okay?"
"Yes, baby. See you tonight." After that call napaisip ako. Kung hindi si Mommy ang nagdoorbell, sino? Hindi naman siguro ang mga kuya ko right?
Palabas na ako ng kusina ng makasalubong ko si Aica with a nervous in her face. Pinagpawisan kasi ito.
"Sino yung nag doorbell?" Nakakunot noong tanong ko. Gumilid ito upang makita ko kung sino ang nasa salas.
Nagulat ako nang makilala ko kung sino ang lalakong yun. Tinignan ko si Aica pero napakagat labi lang ito at saka ako itinulak palabas.
"Good evening.." bati nito sakin ng tumayo at ngumiti.
"Good evening din po, maupo ka."
"Thank you."
"Anong ginagawa mo dito Sir?" I asked him prankly. Hindi ko talaga gusto ang may kung sinu-sinong pumupunta sa bahay lalo na ngayon na any moment ay pwede nang magising ang kambal at makita nya ito.
"Ara, about you and Jomar."
"Anong meron samin ni Jomar, Ryan?" Tanong ko ng maupo sa tapat nito kasunod nun ay ang pagdating ni Aica para iabot ang juice kay Ryan. After mag thank you, umalis din agad si Aica.
"Are you really living with Jomar?" Halata na ayaw pa rin nito sa narinig nya kanina or sa nakita nya samin bi Jomar. Naalala ko pa nun nung ininvite nya ko mag lunch, binalaan nya ako na lumayo rito.
"Yes." Bumuntong hininga ito at napahawak nang mahigpit sa sariling mga tuhod na animoy nagpipigil.
"Ara..."
"Kung pipigilan mo ako, sorry to say Ryan dahil hindi ko na kaya.." napapikit ako habang pilit na pinipigil ang mga luha na gustong lumabas, "The day that I accepted him again.." yun yung araw na may nangyari ule samin ni Jomar after six long years. "Is the day that I ready my self to risk again on the thing they called love."
BINABASA MO ANG
Circle Of Love Is Never Ending
RomanceMasaya! Masayang masaya sina Ara at Jomar sa kanilang relasyon pero syempre lahat may hanggan. Lahat nakakagawa ng mali. Paano na nga lang ba ang buhay ng mag ina niya kung may kaniya-kaniya ng buhay.