Coline - 28

179 14 5
                                    

"Bessy, magkamali ka na daw sa lahat ng exam wag lang sa pagpili ng taong mamahalin mo..."

- Aica

---------

[Ara's pov]


"Ms. Ara, tingin mo ba magiging okay na yung first presentation natin sa friday? Bukas na yun e..." napahinto ako sa pagtipa sa computer at binalingan si Warren na naupo sa harap ng table ko.


"Yeah. Okay na siya sa tingin ko. Almost running na siya. After that we can proceed to another." I said while pointing to those systems that we developed.


"Petiks na tayo ngayon.." masaya namang hayag ni Lan.


"Mag-o-O.T pa kayo?" tanong ko sa kanila na nagsiilingan naman.


"Di na, malaki na sahod ko dahil ilang araw na din tayong nag overtime baka malugi na yung BHC dahil sa'tin.." anito sabay tawa.


Napailing na lang din ako sa tinuran ni Lan. May point kasi ito, nag-oovertime ang mga ito kahit wala naman ginagawa. Nagpapalaki lang ng sahod.


"Oh siya, una na kami sayo Ms. Ara!" paalam ng mga ito maya maya lang din sumunod na si A.R.


"Sure ka? Di ka na magpapahatid?" paninigurado pa nito.


"Oo nga, baliw lang? Sige na. Ingat ka.." tumango lang ito atsaka lumabas. Napasandal naman ako sa kinauupuan ko ng mapag-isa ako. Kung tutuusin mas gugustuhin ko ng umuwi dahil namimis ko na yung mga bata kahit pa wala pang isang araw ko silang hindi nakikita.


Pestee lang kasi talaga to si Jomar. Ayaw pa ako pauwiin.

Ayan, naghihintay na naman ako.

Papikit na ko ng marinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napamulat ako agad. Syempre sino pa nga ba?


"Ready?" tanong nito.


"Yeah. Gusto ko na talagang umuwi.." sabi ko sabay kuha sa bag ko.


"Sa condo ka na uuwi.." agad na napatingin ako uli sa kaniya.


"Ulitin mo nga?"


"Sa condo ka na titira.." napanganga na lang ako sa sinabi niya.

"Baliw ka na?"

"Any problem? How can you be my slave, if we don't share the same house?" Tinawanan ko lang siya at agad na pumunta sa pintuan.


"Baliw ka na. Ihahatid mo ba ko o ipipilit mo lang ang gusto mo?"


"I chose the second one." napahigpit na lang yung sa hawak ko sa bag sa sobrang inis! Sino ba namang hindi? Gustong gusto ko na makita yung mga anak ko tapos ano?


"A-Y-O-K-O! Tapos ang usapan." lalabas na sana ako ng mapansin kong umupo lang siya sa table ni Lan. Kaya hinarap ko uli siya. Nakatitig lang siya sakin kaya mas lalo akong nainis.

Circle Of Love Is Never EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon