--Paika ika pa akong naglakad papunta sa kusina. It's still sore dahil nagmagdamag na naman kami ni Jomar. Halos mag three am na nga kami natapos and to be honest? Hindi ko alam kung san kumukuha ng energy si Jomar na parang hindi napapagod.
Matapos maghiwa e sinimulan ko nang magluto.
Tulog pa naman si Jomar kaya hindi ako nagmamadali. After an hour naramdaman ko na lang na may yumakap mula sa likuran ko. At base sa amoy nito, I knew it.
"Still sore?" Tanong nito ng umalis sa pagyakap at humarap sa akin. Tumango ako at yumakap sa batok nito. "Sorry."
Agad ding niyakap ako nito. Hindi ko na napigilan ang mapangiti. Mas lalo siguro ang tuwa ko kung sa paggising ko e kasama ko na rin ang kambal. And I can't wait for that to happen.
"I love you." He said as he kissed me. It just an smack dahil pareho pa kaming may trabaho. Kelangan din namen magtimpi paminsan minsan lalo na at may kalakihan ang ano niya.. After mag almusal, nauna nang umalis si Jomar dahil may meeting pa ito. Gusto pa sana nya akong ihatid pero tumanggi na lang ako. Buti na lang at hindi na ito nagpumilit pa kaya heto ako nakaharap sa salamin na may sobrang lapad ng ngiti.
Natigil lang ang pagmumuni muni ko nang tumawag si Mama.
"Ma?" Pag uumpisa ko.
[anak, ipapaalala ko lang sana sayo na sa susunod na lunes na ang family day nila Yesha at Yael..]
Agad na nagliwanag ang mukha ko dahil sa naiisip na idea. Bakit nga ba hindi sa araw na yun ko ipakilala si Jomar sa mga anak nito? Siguradong magandang timing iyon para sa mag-aama.
"Opo ma. I promised to be there." With him. Yeah. I will. In-end ko na yung tawag. After kong maligo at mag-ayos ay sandali ko pang pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Happiness were on my face, and I can't deny it!
Alam kong isa si Jomar sa dahilan kung bakit ganito ako kasaya. And on my kids' family day, I am going to tell him about our twins.
Di ko na naman napigilan ang mapangiti sa ideyang iyon. Jomar and I together with our kids. What a happy family.
Nang makuntento na ako sa itsura ko e lumabas na ako ng unit niya but to my surprised, I saw a bunch of flowers at the door with a note attached.
Ara,
Don't wear mini skirt and revealing dress! Take care babe. I love you so damn much and I missed you!
Jomar
Di ko naman mapigilan ang mangiti. Kahit kelan talaga ang isang yun, kahit sa sulat nagmumura. Tarantado talaga e. Pero infairness marunong pala siyang gumawa ng love letter kahit pa nga maikli at simple lang iyon atleast! JOSEPH JOMAR ARELLANO!
Nagmamadali na akong bumaba ng unit niya dahil sa sobrang excite na nararamdaman ko. Sino ba namang hindi matutuwa? Haller daig ko pa kaya ang dalaga at virgin kung kiligin.
Hanggang sa makarating ako sa BHC e hindi nawawala yung ngiti ko. Kaya napansin nila A.R agad yun.
"Yung totoo Ms. Ara, what happened and you have that wide yet so beautiful smile?" nagkibit balikat lang ako nang diretsong umupo sa area ko. Nagsisunuran naman ang sina Warren at Lan pero hindi ko sila pinansin kahit pa nga pareho silang nakapangalumbaba.
"Siguro dahil sa bonus na ibibigay satin ni Mr. Espina.." nag high five naman ang dalawa habang ako? Masayang nakangiti lang sa kanila. Lumapit nman si A.R at nakiusyoso na rin.
"Are you inspired?" tanong na rin nito. Ngumiti muna ako sa kanila at binuksan ang computer bago ko sila hinarap.
"I'm just happy on what's going on in my life now. Actually, the word happy is not enough to describe how it feels." nakita kong napanganga sina Warren and Lan pero tumayo na lang ako nang napansin kong nasa pinto nang office namen.
"Yes, Jen?" nakangiti rin itong lumapit pero halata naman ang pamumula ng pisngi nito. Huh! I know it. She really likes A.R.
"Ligawan mo na kasi." bulong ko na mas lalong ikinapula nito. Hinila ko ito palabas ng office dahil natatawa na ko sa pamumula niya. "Hoy babae, bat anlayo mo sa pinsan mo ha? May pablush blush ka pang nalalaman dyan. Hindi ganyan si Aics!"
I can't help but to laugh. Kinurot naman ako nito sa tagiliran kaya napahinto ako.
"Ikaw talaga First Lady." ako naman ang kunurot sa kaniya.
"Baliw ka." we both laugh on our own crazy act. Huminto lang ako nang makita kong lumabas ng opisina si Jomar. Direktang tumingin ito sa akin. Napalunok ako nang mapansing salubong ang dalawang kilay nito.
"Patay!" narinig kong bulong ni Jen.
"Didn't I told you Jen to call Ara immediately?" Ugh. I knew it. Napansin ko rin na namutla si Jen.
"Sorry Sir, May ibinilin pa kasi ako sa grupo ko. But Jen told me already, ako ang may mali." umiling lang ito at muling bumaling sakin.
"Inside my office, Ara." kinindatan ko lang si Jen at saka sumunod kay Jomar sa loob ng office nito. Nakita ko naman na ngumiti na ito at sumunod na papasok. Ako naman sinundan na rin si Jomar sa pinakaloob ng opisina nito.
Umupo ito sa swivel chair at mataman na naman akong tinignan. I lifted my left eyebrow for him to know that I am disgusted by his gaze. Na akala mo hari siya na dapat kong sambahin. Pero ilang minuto na ang lumilipas ay wala pa ring umiimik sa amin kaya nagpasya na lang akong tumalikod.
"Where do you think you're going?" Hinarap ko siya at inirapan. Wala akong panahon sirain ang magandang araw ko na ginawa niya. Tss. Pathetic. Pinaganda niya araw ko tapos sisirain niya rin.
"I'm asking you!" He said it louder than his usual voice so I guess, he's totally irritated.
"Pwede ba Jomar? Kung tititigan mo lang din pala ako, mag download ka na lang nang picture ko sa Facebook ko at yun ang titigan mo hindi yung papapuntahin mo pa ako dito! For Petes sake! May trabaho ako..."
But you know what is the most annoying side of this fcking man? It's when he's angry with me then suddenly laugh. Alam niyo yung feeling na yun? Sa sobrang inis ko talaga tinalikuran ko na siya at nilayasan. I can't take it anymore. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang pikunin ako.
"Bad trip ba, first lady?" hindi ko sinagot ang tanong ni Jen, inirapan ko na lang din siya at saka lumabas na nang tuluyan. Narinig ko pang tumawa ito nang malakas. Peste! Tinawanan pa ako samantalang niligtas ko siya sa boss niyang tarantado.
Wala na! Sira na araw ko!
Fcked him! Fck you Jomar!
------
![](https://img.wattpad.com/cover/28912090-288-k181960.jpg)
BINABASA MO ANG
Circle Of Love Is Never Ending
RomansaMasaya! Masayang masaya sina Ara at Jomar sa kanilang relasyon pero syempre lahat may hanggan. Lahat nakakagawa ng mali. Paano na nga lang ba ang buhay ng mag ina niya kung may kaniya-kaniya ng buhay.