Coline - 41

78 3 0
                                    

..

Excited na pumasok ako dahil ngayon ko na mismo sasabihin kay Jomar ang tungkol sa mga anak namin pero nagulat na lang ako nang makita si Aica sa may waiting area kaya nilapitan ko ito.

"Bessy, anong ginagawa mo dito?" Tumayo naman ito at agad na hinila ako palabas nang building. "Hey hey!"

"HEY HEY MO MUKHA MO! HINDI KA MACONTACT LOUISE ARA!!!" sigaw nito habang pilit na isinakay ako sa kotse niya.

"Ano bang problema at makasigaw ka wagas?" napahilamos ito sa mukha at naiiritang humarap sa akin, "TODAY IS YOUR TWINS' FAMILY DAY PERO WALA KA PA!!!"

Fdge!

"Ha? SAbi ni mama sa monday pa--"

"PAANO MO MALALAMAN NA NAGKAMALI ANG MAMA MO KUNG HINDI KA NAMAN SUMASAGOT SA TAWAG NIYA!!!" Geez. Talagang naiinis na si Aica sa akin.

After ko kasing mabasa yung text ni Elle ay nagmadali na ako hanggang sa nakalimutan ko yung phone ko sa may dining table. Napamura din ako sa isiping iyon.

"AICS pahiram naman ako ng phone mo, itetext ko lang si A.r!" ayoko naman na mag alala sa akin ang mga iyon kapag hindi ako nakapasok ngayon.

Iniabot naman nito ang cellphone at saka ko itext si A.R. Wala pang limang minuto nang mag reply ito. Malaki naman ang tiwala ko rito kaya sinabi kong family day ng mga anak ko. At isa sa magandang katangian nito ay yung naiintidihan niya ako.

Ibinalik ko kay Aica yung phone niya.

"Sorry na Bessy!" I said sincerely. Hinawakan ko pa ito sa braso pero inirapan naman ako nito.

"Hindi mo na nga ipinakilala sa tatay nila tapos di ka pa aattend! Konsensya naman Ara!!!" ramdam ko talaga yung inis ni Aica. I sigh. DAhil hindi ko na naman natupad yung pangako ko sa kambal. Nagi-guilty na talaga ako. Gusto ko sana tawagan si Jomar at papuntahin na lang sa school nila Yesha pero hindi ko naman kabisado ang number nito.

"Bakit nga ba late ka? Don't tell me, pinuyat ka na naman ni Jomar ha! Grabe na bessy! Di mo pa napapakilala yung mag-aama gagawa na naman kayo ng bata!" napangiti ako sa sinabi nito. Hindi naman namin kasi ginawa 'yun' kagabi, kanina lang kaya ako na late. Isa pa nagkita kami ng mga soon-to-be MRS. ARELLANO!!!

"Nagkita kasi kami kanina nila Elle at Jana..." napatingin ito sa akin.

"Yung girlfriend ng mga kapatid ni Jomar?" tumango ako saka muling bumaling sa labas. Naalala ko na naman yung pagbubuntis ni Jana. Yung pinaglilihi niya yung baby niya kay Dexter.

Circle Of Love Is Never EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon