Coline - 36

72 3 1
                                    

..

Saturday. Another ordinary day for me. Dahil may usapan kami ni Jomar na hindi ako uuwi this weekends dahil nga nakauwi na ko nung nakaraang araw.

Pero ang pinagtatakha ko lang ay yung pangalawang gabi na siyang hindi umuuwi. I didn't tried to call him dahil ayoko namang isipin na hinahanap hanap ko siya. Saka isa pa, nakakatulog naman ako ng wala siya. Kahapon din sa office wala siya, ganundin ang ibang bosa namen kaya ang inisip ko na lang ay baka may other business meeting ang mga ito.

After my breakfast, I decided to call the twins. Sobrang miss ko na talaga ang mga ito.

NAkakailang ring na pero wala pa ring sumasagot hanggang sa nakarecieve ako ng text from my mom.

From: Mama

Sorry Ara. Umattend kasi ng workship ang kambal. Sa jollibee and nagdasal kasi kanina.

Napangiti ako. Nakakainggit si Mama. Nasa tabi siya ng mga bata everyday. Nasusubaybayan niya ang paglaki ng mga anak ko. Unlike me. Pakiramdam ko nga ay napakawalang kwenta kong ina. I should be the one on their side pero heto ako, malayo sa kanila.

Pinunasan ko ang mga luhang malayang pumatak sa mga pisngi ko. I missed them so much.

KApag hindi talaga umuwi si Jomar tonight, aalis ako sa ayaw at sa gusto niya.

Dahil sa wala akong magawa sa condo niya, I decided to go out. Tatawagan ko sana si Aica kaso di ko na tinuloy.

I was about to go out ng biglang magring ule yung phone ko.

Si Jomar. Buti naman at nakuha niya pang tumawag.

"Hello?"

"Where are you going?" Napataas kilay ko sa tanong niya. Paano nito nalaman na aalis ako? May CCTV ba sa bahay nito? Tss.

"It's none of your f*cking business. Today is my off so I will go wherever I want." Then I ended it again. Lumabas ako agad ng kwarto nito at dali daling tinungo ang elevator. But I was shocked ng bigla na lang humarang yung mga unipormadong security niya sa condo nito.

"Problema niyo? Umalis kayo sa daanan ko.."

"Sorry Ma'am pero bilin po ni Boss na wag kayong papaalisin." I smirked. How can he be so rude?.

"So? Pwede ba umalis na kayo.. Wala akong pakielam sa boss niyo."

"Sorry Ma'am..."

"Do you know what are you doing? It's kidnapping already." Haha what a phrase! Kidnapping na pumayag sa set up? Eh kasi naman naiinis na ko e.

"MAgalit na ho kayo Ma'am pero hindi po kayo pwedeng umalis." Ghad! My nerve. They really pissing me off.

Inis na bumalik ako sa loob. At tinawagan si Jomar. Pero mas lalo lang akong nainis ng hindi ito sumasagot.

"Peste ka talaga."

"I told them not to let you go."

Oh nice. He's here. After two fcking nights umuwi rin siya. "At sino ka naman para ikulong ako dito sa condo mo? Ghad Jomar! May pamilya ako na dapat ko ring makita!!! For pete's sake."

Inis na pumasok ako sa kwarto at doon nahiga pero syempre papayag ba naman si Jomar na hindi sumunod?

"What's with that attitude Ara? Nagkasundo tayo na dito ka this weekends di ba?"

Wow AH!!!! WOW NA WOW!!! What's with my attitude? Haller!!!

"Really Jomar? Tinatanong mo ko kung ano meron sa ugali ko? Masama ba gustuhin kong makita yung pamilya ko since ilang araw ka namang hindi umuwi? Oo I agreed to be your slave but It doesnt mean na pwede mo na kong pigilan sa mga bagay na gusto ko.You only have my body yun lang yung kapalit ng seven billion pesos. Hindi yung buong pagkatao ko."

At that moment, yumuko siya. Ofcourse alam kong na-point ko kung hanggang saan lang siya when it comes to my life. Lalabas na sana ako ng pinto when he speak again.

"Fine.. Ihahatid kita but I'll fetch you at seven pm."

Nice. Pumayag nga kaso susunduin pa din ako at the same day.

Tahimik lang kami sa buong biyahe. Hanggang sa makarating kami sa Baclaran, walang umimik. Hindi na rin naman ako nagpaalam ng maayos sa kaniya pagbaba ko ng sasakyan niya. Hindi rin naman niya ako pinigilan. Its good for us dahil ayoko rin namang magkausap kami ngayon. Baka kung ano lang masabi ko.

Medyo naging madali lang ang byahe since walang trapik sa CAVITEX. Two pm na ako nakarating at saktong kakauwe lang din ng kambal.

"Mommy!! You're home!!" I hugged them back. I missed them so damn much.

"Are you going to sleep here tonight Mom?" There smile suddenly became sad nang umiling ako. Alam ko naman na sobrang laki na ng pagkukulang ko sa kanila pero kasi.. Ugh!

"You will leave us again?" As I look at Yesha's eyes my heart broke into pieces.

"Baby.. Di ba naipaliwanag ko na sa inyo to?" Napipilitang tumango ang mga ito.

"Mommy, di niyo pa rin po ba nahahanap si Daddy?" Another reason para mas lalo akong masaktan. Hindi ko kasi alam kung handa na ba talaga kaming magharap harap o mas tamang itanong ay kung handa na ba ako?

"Im sorry baby.." kibit balikat na pumasok sa loob si Yael. Sinundan namin ito nila Mama pero umakyat na ito sa kwarto nila.

"Pagpasensyahan mo na ang bata." I bit my lips and watching Yesha to play.

"Ma.. kung hindi lang sana ako iniwan ni Jomar nun baka naging isang mabuting ina ako sa kanila." Baka sakaling nasa tabi nila ako araw-araw. Pero kahit nasabi ko na sa sarili kong napatawad ko na si Jomar hindi ko pa rin maiwasan na balikan ang nakaraan dahil iyon at iyon ang dahilan ng nangyayari ngayon.

After a few hours bumaba din si Yael na may ngiti na sa mga labi. Ako naman yung nakaramdam ng lungkot. Kung kelan kasi paalis na ako saka bumaba si Yael. Nakarecieve na kasi ako ng text from Jomar.

"Mommy, sorry for being like an idiot awhile ago." Niyakap ko naman ito at ganun din siya. "Please call us as soon as you find Dad."

Tumayo ako and I gave them my goodbye kiss.

Its already 6:30 pm. Alam kong hindi ako aabot sa seven pm na usapan namen ni Jomar plus pa na trapik kaya mas lalong alanganin.

I recieved twenty eight missed calls from him. And eight text. I answer his twenty ninth call and base on his deep breathe alam kong napipikon na ito.

"Where the fck are you?"

"On my way." I heard him curse and I bit my lower lip.

"I ask you properly so dont answer me stupidly!" Napabuga na lang ako sa hangin. Bakit ba napaka gago ng lalaking to? Anong mali sa sinagot e totoo namang nasa byahe na ko?

"What answer do you want to hear?" I ask impatiently.

"Where the exact fcking place are you?" Here we go again. Paano nga ba kami nagsama nito gayong pareho kaming pikunin at mainipin?

"Bacoor." Tipid kong sagot. Hindi na naman ito nagsalita. Basta na lang nitong ibinaba ang tawag. Siguro nga napuno na yun to think na ten thirty pm na. Three and half hours mula sa usapan namen.

pagdating sa Baclaran tinawagan ko siya pero hindi ito sumagot. Nakailang tawag pa ako pero hindi pa rin siya sumagot kaya si Mang Rogelio na lang ang tinawagan ko.

Sinabi ko lang kung san ako nakapwesto at doon ko hinintay si MAng Rogelio. After a few minutes dumating din ito pero wala na si Jomar.

"Mang Rogelio, nasan po si Jomar?"

"Hindi ko ho alam Ma'am, nag taxi po si Sir at di nasabi kung san pupunta."

Sumandal na lang ako at hindi na umimik pa. San na naman kaya pumunta yun? NAinip ba at nauna nang umuwi? Kung nasan man siya wala akong ideya.

Circle Of Love Is Never EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon