....
Ghad. Antagal ko ata nag reminisce ah? Naikwento ko na ata sa inyo from the start upto present nang nangyari sa buhay ko.
Yung araw na naging kami ni Jomar. Nung mga panahong pinagsasaluhan namin yung bawat sandali. Yung mga panahon na sobrang saya namin. Yung panahon na nakipaghiwalay siya sakin. Ganun ba talaga ko kasaya sa feeling nya noon na to the point na umabot pa sa araw araw na pag alala ko sa kaniya?
Ghad. Six f*cking years. Anim na taon na Ara. Just move on.
"Good morning mommy!" Bati ng isa sa dalawang anghel ko.
"Good morning too, honey."
"Wanna eat mom?" Tanong ng isa pa sa mga anghel ko. Tumango lang ako at yumakap sa dalawang kambal. I really love my morning kung itong dalawang anghel na to ang nakikita ko.
Yeah. May anak ako, kambal at si Jomar ang tatay. Three months na sila sa tyan ko nang malaman kong buntis pala ako. Yun pa yung araw na nagkita kami ni Elle. Natuwa pa nga ako nun nang nalaman ko yun.
Naalala ko pa nun nang pumunta ako sa bahay nila Jomar sa Laguna para sana sabihin dito yung pagdadalang tao ko kaso ang daddy nito ang inabutan ko doon.
Walang humpay ako sa pagdoorbell nang makarating ako sa Laguna. Maya maya lang din pinagbuksan na ko ng daddy ni Jomar ng gate.
"Good morning, Sir. NAndyan po ba si Jomar? May sasa---"
"Balita ko, iniwan ka na ng anak ko dahil hindi ka na nya mahal."
"Alam ko hong nagsisinungaling sya. Actually, buntis ho ako sa anak nyo." Masayang balita ko rito pero parang wala lang ito rito.
"Iha. Kung anuman ang namagitan sa inyo ng anak ko, tawag ng kalamnan lang iyon. Mas kilala ko si Jomar kesa sa pagkakakilala mo sa kaniya. Hindi mo rin siguro alam na babaero ang anak ko. At isa ka lang sa mga naging babae nya." Bawat salitang lumalabas sa bibig ng tatay ni Jomar e parang sumasaksak sa dibdib ko. Hindi ako makapaniwala na pampalipas oras lang pala ako ni Jomar pero diba? Mahigit dalawang taon kami kaya paanong naging laro lang yun kay Jomar?
"Kahit ipamukha mo pa kay Jomar na magkakaanak kayo. Hindi ka nya pananagutan. Saka, bata ka pa iha, wag ka magpakadesperada. Kasalanan mo din kung bakit ka nabuntis. Bata ka pa bumigay ka na." Sabi nito sabay sara ng gate. Naiwan akong wala ng pride. Wala ng dignidad. totoo naman kasi, desperada na ko. Inisip ko pang gamitin yung baby ko para balikan ako ni Jomar.
"Mommy, lets go." Tawag ni Yesha na nakapagpabalik sakin sa realidad. Wala na atang araw ang lumipas na hindi ko naalala ang nakaraan ko.
"Sure." Hinawakan ko ang kambal at sinabayan ang mga ito sa paglalakad pababa sa kusina. Doon ay inabutan ko sina Mommy at ang mga kuya.
"Good morning, lola ganda and mga tito'ng pogi..," Yesha greeted them. Agad naman na napangiti ang mga ito ng makita ang kambal.
"Good morning princess. Hows your sleep?" Tanong ni Kuya Rial.
"Good. But I am hungry na." Sabi nito sabay kuha ng tinapay.
"Obyus nga. To think na hindi ka pa nakakaupo pero kumukuha ka na ng pagkain." Biro naman ni Kuya Jerome.
"Its fine diba lola ganda?" Lambing naman nito kay Mommy. Tumango naman si Mama at niyakap ito habang si Yael, tahimik lang na nakaupo. Lumapit ako dito at hinalikan ito sa noo.
"May problema ba Yael?" Bulong ko rito. Napayakap naman ito sakin.
"Wag ka na pumasok, Mommy..." niyakap ko din sya at hinalikan uli sa noo.
"Baby. I have to work for you ni Yesha." Ito na nga ba ayaw ko e. Yung hihilingin nilang wag na ko magtrabaho. Oo naiintindihan ko naman na gusto nila sa tabi lang nila ko pero diba???
"Wala na nga si daddy..." bulong nito pero rinig naman ng lahat saka kumalas sa pagyakap sakin.
"Baby.." ngumiti ito at muling yumakap sa akin.
"Okay lang mom. I understand. Kain na po tayo..." tumango lang ako at hinainan ang mga ito.
Sa totoo lang nagi.guilty ako sa sinabi ni Yael. Totoo naman kasi, wala na nga silang daddy tas busy pa ko sa trabaho diba?
-------------

BINABASA MO ANG
Circle Of Love Is Never Ending
RomanceMasaya! Masayang masaya sina Ara at Jomar sa kanilang relasyon pero syempre lahat may hanggan. Lahat nakakagawa ng mali. Paano na nga lang ba ang buhay ng mag ina niya kung may kaniya-kaniya ng buhay.