Coline - 30

133 12 1
                                    


Update na po ako ule sana magustuhan niyo po :)

-

Ilang beses ko pang ibinagsak ang mga papers na hawak ko at saka humawak sa sentido. Medyo masakit na kasi sa ulo ang iba pang projects na gagawin namen sa BHC, may mga kalakihan na nga ang iba. Idagdag pa ang pagkamiss ko sa mga anak ko kaya mas lalong sumasakit ang ulo ko. Ilang araw ko na rin kasing hindi nakikita ang mga ito simula nang sa condo na ni Jomar ako umuuwi. Nag-usap naman kami nito na tuwing sunday ay uuwi ako ng bahay. Pero sht I can't take it anymore na hindi makasama ang mga anak ko.


She had a plan, hindi siya papasok bukas para makasama ang mga ito. Sobrang miss na niya ito kaya dapat ay matapos na niya ang lahat ng gagawin niya para bukas.


"Hey, hey! Lunch na.." napahinto siya sa ginagawa ng umupo si A.R sa harap ng table niya at nakapangalumbabang tinignan ako..


"Lunch na po Ms. Ara, mamaya mo na tapusin yan. Mukhang di maganda timpla ng araw mo ngayon ah.."


"Yeah. Plano ko kasing umabsent bukas.."


"Why?"


"Family gathering..." pagsisinungaling niya rito, well konti lang naman dahil pamilya naman niya ang kambal. Tumango lang ito at saka tumayo.


"Tara na, kain na us.."


"Sige.." kinuha ko lang yung wallet ko at saka sumunod rito. Napansin ko naman na naghihintay na sa amin si Jen kaya nakangiting tinignan ko ito.


"Sabay ka?" tanong ko.


"Pwede ba?" napangiti ako sa itinanong nito at saka ito kinurot sa tagiliran.


"oo naman.." sabay kaming naglakad sa hallway habang masayang nagkukwentuhan ng tungkol kay Aica pero Gumilid kami sandali ng makasalubong namin yung limang boss ng kumpanya. Yumuko si Jen kaya sumunod ako pero napansin kong nakatingin lang dito si A.R kaya pinilit kong iyuko ang ulo nito. Dahilan para taasan ako ng kilay nito pagkalagpas ng grupo nila Ryan.


Magsisimula na sana uli kaming maglakad ng biglang may humila sa mga kamay ko at dali dali akong kinaladkad. As in kaladkad.


"Te-teka lang si-sir!" pinilit kong hilahin yung kamay ko pero hindi niya binitiwan bagkus huminto siya at nakatingin sakin. Yung tingin na nagsasabing 'wag ka na kumontra'.


"Any prob?" tengene lang e nu? Any prob daw? E bigla niya kaya ako hinila... Tas magtatanong siya ng ganyan? Siraulo lang amputs?


"Lets go..." Nung hindi ako sumagot e nagsimula na uli silang maglakad habang ako hawak hawak pero may isa namang kamay ang humawak pa sa isa kong kamay para pigilan ako.


It was A-R.


Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Jomar nang makita si A.R na hawak ang isa ko pang kamay.

Circle Of Love Is Never EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon