Coline - 8

261 20 8
                                    

Chap eight na pala ko agad. Akalain nyo yun. Hahaha

-----------------------------

Sumunod na lang ako pagpasok sa loob. Nakita ko naman na naupo si Jomar sa table ng mga lalaki. Ako naman ay bumalik sa table ng mga babae.

"Ate, dito..." sigaw ni Bridgette. Umupo naman ako sa tabi nito at ininom ang alak na nakahain doon. Tss hapon na hapon alak gusto ng mga to.

"Lets do this..." sabi ni Casey. Sa totoo lang hindi ko maintindihan yung usapan nila pero one thing na narealize ko e hinihila na nila ko palabas.

"U-uy teka lang naman." Pagpipigil ko sa kanila pero hindi sila nakinig hanggang sa may narinig akong ingay sa loob.

"Angelo Smith??" Sigaw ni Casey. Ghad. Bakit narinig ko ang pangalan ni Angelo sa loob? Ano ba talagang nangyayari? Lasing na ba ako at naririnig ko ang pangalan ng taong wala naman dito?

"Te-teka lang Arianne..." pinipilit kong pigilan sila pero talagang ayaw papigil. "Girls teka lang, an-- araaayy!"

Fck. Hinila lang naman ako ni Jomar plus na hindi pa ko binibitawan ni Arianne. Kitams? Ansaya lang ng ginagawa ng magpinsan na to sakin diba??

"Where the hell are you going, Arianne?" Galit na tanong ni Jomar. Hinila niya ko pero di pa rin talaga ko binibitawan ng pinsan nya.

"Kuya naman relax ka lang. Balita kasi namen ni Ate Ara gwapo daw yung kaibigan niya na si Angelo.." shemay. Ano bang pinagsasabi ng mga to. Wala naman akong binanggit na ganun ah? Mamaya isipin pa ni Jomar na ibinibida ko sa mga pinsan nya si Angelo e. Tss. Ano ba talaga nasa isip ng mga to??

Nakita ko naman na namumula na si Jomar sa galit nga inalis ko na yung pagkakahawak ni Arianne sa braso ko pero hindi nya ko talaga binitawan.

"Kuya, ch-chat lang namin." Sabay hila sakin ni Arianne pero mas lalo lang himigpit yung pagkakahawak ni Jomar sa braso ko.

"Let her go, Arianne." Maawtoridad na sabi ni Jomar. Nakatiim bagang na itong nakatingin sa mga pinsang babae pero mukhang walang balak na magpatalo ang huli.

"Ang selfish mo naman Jomar. Hihiramin lang namin si Ara.." singit na rin ni Casey na pilit ding inaalis ang kamay ni Jomar sa braso ko. "Ikaw, ang let her go Jomar..."

Pero habang ginagawa nila yun mas lalo lang humihigpit ang pagkakahawak ni Jomar. Pakiramdam ko nga any moment magkakapasa na yung braso ko. Gusto ko na sanang magprotesta pero shemay lang ng mga to.

"Really? Si Angelo Smith to?" Sigaw ni Kylie na nakaagaw ng atensyon namin. No fckin way. Paano naman silang magkakaroon ng number ni Angelo?? Kakabanggit ko pa nga lang sa kanila ng name no Angelo then thats it na? Naguguluhan na ko talaga.

"Ha? Si Ate Ara? Namimiss mo naman agad. Wagas ka nam--- hey kuya! That is my phone. Where-- ohmygee. Kuyaaaaaaaa!" Kung tatanungin nyo naman po kung anong nangyare? Ayun inagaw lang naman ni Jomar ang cellphone ni Kylie at ibinato sa kung saan. Same experienced with me Kylie???

"Kuya naman eh. Bat mo binato yung cellphone ko." Pagmamaktol nito.

"I told Arianne to let Ara go." Yun lang at hinila na ko ni Jomar ng tuluyan papasok sa kwarto. Masakit yung ginagawa nyang paghila kaya pilit kong binabawi yung braso ko.

"Jomar, masakit. Ano ba?" Pero parang wala naman itong narinig at nagdiri.diretso na sa kwarto. "Jomar naman e. Masakit sabi."

Nagulat na lang ako ng bigla nya kong itulak. Mahina lang naman. Tas sya? Ayun naupo sa kama.

"Ano bang problema mo?" Tanong ko habang hinihimas yung braso kong namumula.

"Gusto mo din." Sabi nito ng bumaling sa ibang direksyon pero agad ding bumalik sakin.

"Pinagtripan ka lang naman nila e."

Pero hindi na din ito sumasagot. Bumuntong hininga na lang ako.

"Ganito na lang tayo?" Haist. Daig ko pa nakipag usap sa hangin. Kinakausap ko na pero tinitignan lang ako. Langya lang e nu?

"Ewan ko sayo." Lalabas na lang sana ko ng pinto pero hinila pa rin nya ko kaya yun nasampal ko na naman sya. Pano nasasaktan na ko sa ginagawa nya. "Ang laki ng problema mo nu? Lakas tama ka e."

Pero tang inis lang kasi nauna pa siyang lumabas. Kitams. Nakakabadtrip pa din dba? Sa inis ko ayun, nagdecide na lang akong umuwi. Pano kakabadtrip lang kasi. Kakapuno.

Good thing at wala kong dalang gamit kaya magaan lang.

Nagulat na lang ako nung maabutan ko siyang nakasandal sa hamba ng pinto sa labas.

"Where are you going?" Tanong nito. Ako naman yung di sumagot instead na naglakad na pababa pero syempre pinigilan nya ko. "I'm asking you Ara. Where are you going?"

Kita mo tong mokong na to. Kinakausap ko kanina pero di ako sinasagot, ngayong binabawian ko. Galit!!! Peste lang diba??

"San nga?" Tss. Pikon na.

"Uuwi na ko."

"Why?" Hinawakan nito yung braso ko pero inalis ko lang ule. Nakakainis na kasi.

"Ara." Tawag nito pero hindi ko sya nilingon. Tss not knowing Jomar, he is unimpatient when it comes to this kind of situation. "I'm asking you..."

Tss. Kelangan ba talaga sigawan ako?? Nagtatanong lang naman sya diba?

"Bat di mo tanungin yang sarili mo?" Tinignan ko siya pero nakatingin lang din sya sakin.

Inagaw ko sa kaniya yung kamay ko pero di nya ko binitawan instead niyakap nya pa ko. Narinig ko pa yung pagbubuntong hininga niya kaya ayun, Di na lang ako kumibo. Ayoko din naman kasing lagi kaming ganito.

"Sorry babe. Im really sorry." Bulong niya. Naramdaman ko yung paghigpit ng yakap nya. "Please, stay here."

Haist. Pasalamat na lang siya at mahal na mahal ko siya dahil kung hindi, nakooooo.

"Please... stay.."

Then hinila niya na ko sa loob at doob siniil ng halik.

Circle Of Love Is Never EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon