Coline - 25

150 15 6
                                    

---

Medyo tinanghale na ako ng gising dahil sa ginawa ko kagabi. Eleven pm na ko nakauwe. Tinapos ko pa kasi yung pinagawa ni Jomar and take note, binantayan talaga ko ng mokong!


Tss. Hindi ko tuloy masagut-sagot yung tawag ng kambal dahil sa ginawang pagbabantay kagabi. Pero di ko na naman maiwasan mabadtrip nang maalala yung naging usapan namin after kumain ng dinner.


Flashback:


Nag-focus na ko sa pagca-cad matapos kumain dahil hindi ko na matiis ang makipagtitigan kay Jomar. Wala na itong ibang ginawa kundi ang titigan ako.


"So, kelan mo pa naging hobby ang pagsabay sabayin ang mga lalaki?"


putanginis lang diba? Napatigil ako sa pagtipa sa computer.


"Kelan ka pa natutong husgahan ako?" tanong ko sa kaniya na hindi ito tinitignan.


"Tss." yun lang yung sinagot niya saka lumapit sa kin. Nung magkalapit yung mukha namin, di ko na naman maiwasan kabahan! Naalala ko kasi yung unang pagkikita namin after six years. Natatakot akong baka mangyari uli iyon lalo na at kaming dalawa na lang ang nandoon.



Tumayo ako at saka lumayo rito, "Pwede ba, wag mo nang pakialaman ang personal kong buhay.."



"Yeah. I don't care anymore but could you please don't do it on my territory?"


Gusto ko sanang isipin na nagseselos siya sa sinabi niyang iyon pero sh*t.. bat parang ambaba ng tingin ng hinayupak na to sakin? Gusto ko nang maiyak dahil sa ginagawa ng lalaking to pero NAH!! I will never cry in front of him. Not in his f*cking dream.



"F*ck you Jomar..."


Enf of Flashback



Hayy.. Kung di lang talaga kelangan di na ko papasok ngayon. Alam kong sa mga oras na to e gumuguho na ang mundo ng lalaking 'yon. Hah! Asa naman siya.


Pagbaba ko ng hagdan inabutan ko sina Yael at Yesha na ready nang pumasok.

"Mommy!!!!!!!" pasigaw na lumapit sakin si Yesha habang si Yael ay nagsasapatos.


"Good morning baby.." sabi ko sabay yakap sa aking prinsesa.


"Late ka na ata papasok.." tanong ng kapapasok lang na si Angelo. As usual, ang gwapo talaga ng bestfriend kong ito.


"Yeah. Nag overtime ako kagabi. tinamad ako bumangon ng maaga e."

"So kamusta naman ang araw kasama siya?"


Pinaningkitan ko ito ng mata. Paano alam ko naman na si Jomar yung tinutukoy niya. And ayaw kong pag-usapan ang lalaking yun sa harap ng mga bata. Tumawa naman ito saka ako inakbayan papunta sa kusina.

Circle Of Love Is Never EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon