Coline - 17

166 16 6
                                    

"Kita tayo sa apartment today." Sabi lang nito sabay baba. Ni hindi man lang ako hinintay na magsalita.

Hindi ba man lang niya ko namiss? Ni hindi man lang siya nag I love you.

Nagbihis ako at nagmadaling bumiyahe papuntang Taguig. Kitams anlayo pa ng binyahe ko makita lang siya. Sobrang miss na miss ko na kasi talaga si Jomar.

Pagbaba ko ng bahay wala akOng bantay. Wala kahit isa sa mga kuya ko kayw nagkaroon ako nh chance na makatakas.

Pagdating sa condo, inabutan ko siyang umiinom sa bar counter nito. Sa excite ko ay niyakap ko ito.

"Jomar namiss kita. San ka ba pumunta? Bat di mo ko tinatawagan? Nagresign ka sa trabaho mo ng di mo man lang sinasabi sakin. Alam mo bang nag alala ako sayo kasi---"

"Im sorry." Putol nito sa sasabihin ko. Humarap ito sakin at hinaplos ang pisngi ko. "Im really sorry."

"Okay na babe. Nag alala lang naman ako pero okay na ko." Sabi ko sabay halik sa mga labi nito. Pero umiwas din ito agad.

"Ara..."

Hindi ko alam pero bakit parang kinakabahan ako. Bakit parang may mangyayaring di maganda.

"Im sorry..."

"Jomar..."

"I'm breaking up with you." Para akong nabingi sa sinabi niya. Parang hindi maproseso ng utak ko yung sinabi niya. Para nga kong binuhusan ng kumukulong tubig.

Yung mga luha, hindi ko na mapigilang pumatak. Yun ay kung patak pa nga bang matatawag yun. Dahil feeling ko e bumubuhos na yung mga luha ko. Ansakit kasi. Pero baka naman joke lang to diba? Malakas kasi mantrip si Jomar e.

"J-joke ba to Jomar?" Pilit akong tumatawa kasi halata naman na nasaktan ako sa sinabi nya.

"Im sorry Ara. We have to do this. Im setting you free." Akmang lalabas na ito ng niyakap ko sya mula sa likod.

"Hindi. sabihin mong nagbibiro ka lang. Sabihin mong hindi totoo promise hindi na ako magmumura. Jomar... gagawin ko lahat wag mo lang ako iwan.." pero hindi pa din siya sumasagot.

"Im sorry. Just move on, Ara.."

"Bakit? Bakit mo to ginagawa? Hindi mo na ba ako mahal? Kaya ka ba nakikipag break dahil tumanggi ako sa kasal? Please pumapayag na ko wag mo lang gawin to. Please wag ngayon." Pagmamakaawa ko sa kaniya pero inalis nya lang yung pagkakayap ko sa kaniya.

"Ara. I-I'm really sorry." Naramdaman ko naiiyak na rin ito. Alam kong mahal nya ko. Kung anuman ang bumabagabag rito, handa naman akong mag stay sa tabi nya.

"Sina kuya ba ang nagsabi sayong iwan mo ko? Babe, di naman ako pumayag e. Kinontra ko pa nga sila e." Pagpapaliwanag ko rito. "Babe, hayaan mo na sila. O kaya magtanan tayo kapag di sila tumig--"

"Ara... i'm really sorry."

"Jomar, wag please. Mahal na mahal kita. Wag mo namang gawin to." Sabi ko habang nakayakap na sa mga hita nito. "Hindi ko kakayanin Jomar. Please, wag mo kong iiwan. Nagmamakaawa ako, babe..."

"Sorry Ara but I have to do this.."

"Why? Bakit kailangan mo pa kong iwan? Hindi mo na ba ko mahal? Diba okay naman tayo dati? Babe, sabihin mo, bakit ka nakikipagbreak?.."

"Cause I dont love you, anymore." Sabi nito dahilan para bitawan ko siya. Alam kong mahal niya pa ako pero ang gawing dahilan na hindi nya ko mahal, sobrang sakit dahil feeling ko e hindi niya masabi sakin yung dahilan. Yung totoong dahilan.

"Goodbye, Ara." Tuluyan na itong lumabas ng condo nito habang ako. Ayun walang humpay sa kakaiyak.

"Jomar.. wag please, mahal na mahal kita e..." bulong ko sa sarili.

Hindi ko na nagawang makauwi. MAgdamag akong nag stay sa condo ni Jomar at umaasang babalikan nya pa pero wala. Wala nang Jomar ang bumalik.

Pag gising sa umaga, I am hoping na panaginip lang ang lahat pero wala dahil nakarecieve lang ako ng text from him.

Im sorry for hurting you. You deserve someone better than me. Thanks for everything.

Haha. Gusto kong tumawa kahit na ang totoo e nasasaktan talaga ko ng bongga. palabas na ko ng pinto ng may makita akong nakapaper bag at may letter, I'm sorry Louise. I am planning to give this to you on our monthsary but.. i'm really sorry. Pesteng mga luha yan. Kinuha ko ang paper bag at Tinawagan ko si Aica at nagpasundo rito.

"Bessy, what happened to you? Bakit namamaga yang mata mo.?"

Di ko na naman mapigilan ang umiyak. Naalala ko na naman kasi kung paanong nakipag break sa kaniya si Jomar.

Halos ilang buwan na ang nakakalipas pero ganun pa rin. Ang sakit pa rin ng ginawa ni Jomar pero thankful pa din ako dahil unti unti nang nakakabangon ang kumpanya nila daddy.

Pero ako? Mukha pa ring tanga na tawag ng tawag kay Jomar. Kahit na hindi na nito sinasagot ang tawag ko. Ilang beses din akong nagpunta sa bahay nila sa Laguna pero wala laging tao. Hindi na nga ako halos kumakain o mas tamang sabihin na ayoko nang kumain dahil mas gugustuhin ko pang mamatay kesa mabuhay ng wala si Jomar. He is my life. Sya lang ang gusto kong makasama.

Kahit pa mukha na kong tanga kakahanap sa kaniya.

"Ghad, Ara, papatayin mo ba talaga sa gutom ang sarili mo?" Sigaw ni Kuya Jerome sa akin.

"It almost three days ka nang hindi kumakain." Dagdag pa ni Kuya Jay.

"Kalimutan mo na sya, Ara. Mag move on kana dahil hindi na babalik si Jomar." Nagpantig yung tenga ko sa sinabi ni Kuya Rial. Sino sya para sabihing hindi na babalik sakin si Jomar? Ano bang alam nya sa nangyayari?

"Wala kayong alam kaya kung pwede lang, umalis na kayo." Sigaw ko sa kanila pero nanatili lang silang nakamasid sa akin.

"Paanong hindi ka namin papakielaman Ara, akala mo ba hindi namin alam na araw araw kang pumupunta sa Laguna at sa condo ni Jomar?"

"So what? Sinabihan nyo siguro sya na makipagbreak na sakin nu?" Siguro nga kasi pinapalayo na nila ko kau Jomar e.

"Sinasabi lang namin kung ano makakabuti sayo.."

"Makakabuti? I want Jomar. I just want him, he's my life at ayokong mabuhay na wala siya."

"Ara..."

"Please, lumabas na kayo..." mukha namang sumuko na ang mga ito kaya nagpasya nang magsilabasan. Ako naman itong si Tanga na humanap pa rin ng paraan para makita si Jomar. Sa facebook na lang ako nagbakasakali. Sakto namang online si Elle.

Ara: Elle can we talk?
Elle: sure. Kita tayo?
Ara: sige. Sa Moa.

Matapos yun ay nagbihis ako at nagbyahe papuntang MOA. Buti na lang at nakalusot ako sa mga kuya ko. Sana lang may makuha akong detalye kay Elle. Sa totoo lang sobrang hopeless na ko samin ni Jomar.

Pagdating sa meeting place naghihintay na si Elle.

"Hello. How are you?" Bungad ko rito.

"Ikaw ang kamusta na ate Ara? You look depressed. Nabalitaan kong wala na kayo ni Kuya Jomar." Ngumiti lang ako at pilit na kinakalma ang sarili dahil sa totoo lang hindi pa rin ako nakakamove on. Umaasa pa rin ako na magkakabalikan kami kahit na alam kong wala na talaga lahat sa amin. Pero anong magagawa ko e sa mahal ko pa si Jomar.

"Oo. He broke up with me without giving his reason. He said, he didnt love me at all but nahh. I know his lying. I know he had another reason. Hindi ko alam kung pinilit ba siya nila kuya pero bakit naman? Naguguluhan talaga ko Elle. Gusto kong bumalik sakin si Jomar.m" Ako na. Ako na umiiyak na naman. E nasasaktan talaga ko e.

"Tahan na ate. Wag ka na umiyak." Nung naramdaman kong magsusuka na naman ako e tumayo na ko but everything went black.

----------

Haloow. Short update lang po. Sensya na.

Circle Of Love Is Never EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon