Chapter 38

5 0 0
                                    

(Author's Note: I recommend ma patugtugin niyo sound sa chapter na 'to yung 'Montell Fish - Bathroom'. It adds something to the thrill while reading this for me lang naman pero kayo bahala. HAHAHAH. Yun lang enjoy reading and Happy Birthday to January Babies! 🌹)

In the midst of darkness, we fight as one.

C h a p t e r : 3 8

PRIM

"Lilah." Bungad niya habang may ngisi sa labi, walang kahirap-hirap na parang hindi siya ang lalaking nagdulot ng sakit sa kaibigan ko. "Missed me?"

"What the hell do you think you're doing, Vincent?" Dama ko ang panginginig ng boses ni Klaus. Si Vincent ang kinakausap niya pero ang mata niya ay nanatiling nakapako kay Lilah.

Iniisip ko kung makikialam ba ako ulit?

Gusto ko lang naman kumain ng pansit.

Ganito na ba ako kamalas? Pampahaba ng buhay ang pansit diba? Bakit sakin iba? Pero paniguradong tatamaan ako kay Sid kung nalaman niyang nakipag basag ulo ulit ako.

'Lucky' ang meaning ng pangalan ni Sid pero malas ang abot ko sakanya.

Maghanap kaya ako ng chix?

Napabuntong hininga ako. Alam ko matigas ang ulo ko at madalas kong gawing joke lang bagay-bagay pero biglang pumintig ang utak ko habang nakatingin sa sitwasyon ni Lilah.

Well. Sigurado naman akong sa ugali nila Klaus at netong hudlong na to na hindi ko alam ang pangalan, pro-protektahan nila si Lilah.

Tama.

Kailangan kung makatakas dito at makapasok na sa eskwelahan dahil malamang sa malamang nangangati na ang bibig ni Sid na sermunan ako.

Amen.

Hahanap na sana ako ng paraan para makatakas muli ng mapansin ko na parang natahimik lang ang dalawang katabi ko at walang balak na pumalag.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Wala sa huwisyo kong sabi.

Inulit ko yun pero di nila ako sinagot.

Ay ganon, bastusan?

Gusto na sanang sumugod ni Klaus pero mabilis siyang hinawakan ng kasama niya. "Klaus, you know so damn well that we can't fight them right?"

Nanlisik ang mata ni Klaus. "I don't care, Dmitri. if I die, I die. Mabangasan ko lang pagmumukha ni Vincent ayos na sakin."

Nawala ang maligalig na aura ni Klaus. Pero di yun ang inalala ko.

"Di niyo sila pwedeng patulan??? Bakit??" Question mark???

Eh mukha namang mas malaki pa mga braso niyo kesa dito sa patpating tinatawag niyo na Vincent?

"Huwag ka nang maki-alam. Wala kang alam."

Gusto ko siyang bigyan nang mag-asawang sampal dahil concern lang naman ako tapos gaganunin. Pero totoo namang wala talaga akong alam.

Alam ko lang kalokohan.

"Oh, look. A beta section that wants to be alpha. What now, Klaus? How does it feel that the woman of your life cheats on you and niloko ka lang?"

Ang kapal talaga ng mukha neto.

Akala ko sasagot ulit si Klaus pero tumikom ang bibig nito kasama ni Dmitri.

Shattered: The AberrantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon