Chapter 31

66 18 0
                                    

Run pt. 2

C h a p t e r : 3 1

Okay. Ano bang magandang puwesto?

Nakasilip ba na parang tipikal na tsismosa, lantaran ba na talagang mahahalataan ang kakapalan ng mukha o malasindikatong pasimple na napadaan lang?

Dun ako sa pasimple.

"Why don't you all just accept that you're in your positions right now because you love licking their feets and being their lapdogs?" Narinig kong maangas na sabi ng isang lalaki.

Tumakbo nako papunta sa gilid kung saan kita ang mga parang nagaaway kanina.

Nako on showing na. Nalate nako.

Bago pako talagang mahuli sa palabas ay umupo na ako sa gilid habang nakalawit ang mga paa ko. Wala naman kaseng railing ang rooftop dito kaya pwede ka namang umupo sa gilid mismo. Tamang nood lang ng sunset kasama yung kaaway mo ganon tas hulog mo pagkatapos.

Charot. (Don't try at home.)

May dalawang grupong kanina pa nagtatalo dito sa harap ko. Ang nasa kaliwa ay mga mukha gangster habang ang kabila naman ay mga mukhang artistahin o kaya naman ay superstar. Hindi naman papatalo ang nasa kaliwa pagdating sa kakisigan dahil fit naman sila at papasa na maging campus crush. Pero hindi ko din maitatangging pag dito sila ipinartner sa kalaban nila ngayon, wala pang pinagkukumpara pero may talo na.

"What?" Di makapaniwalang sabi ng lalaki at tumawa na parang malademonyong kulang sa basbas at aruga.

"Whatawat."

Bravo! What a great answer!

Kahit ako ay hindi ko mapigilang mapangisi. Syempre hindi naka relate yung kaliwang gang kaya parang malapit na mapikon. Maliban na nga lang syempre dun sa mga ugok na tawang-tawa sa magaling na sagot nung isa nilang kaibigan na para bang yun na ang pinaka nakakatawang banat sa buong mundo.

Ikaw ba naman mapikon sa pambatang joke di ka matatawa?

Sa mga nakikita ko at naririnig ko talagang magsusuntukan sila sa ginagawa nilang yan. Kaso parang kanina pa sila nag papalitan ng maanghang na salita pero wala namang aksiyon na nagaganap. Nakakagutom tuloy silang panoorin. Kumuha nalang muna ako ng hotdog na dinip ko sa cheese saka nilapang.

Unahan ko na kaya?

Alam ko dati starter ako ng suntukan eh. Pero tinutuloy ko ah. Masakit kasi sa pride ko yun. Ako nag umpisa tas lalayasan ko lang. Aba ibang klase.

Sa di malamang dahilan ay nasamid ako. Mabuti nalang at hindi malakas ang pagkakaubo ko. Kahit na ba nakaitim nako at lahat-lahat, malayo din ang pwesto ko kumpara sa kanila mag e-echo at mag e-echo padin ang lintik na boses kong ayaw makisama.

"Tang'na."

Kaagad kong hinugot mula sa bucket ang pineapple juice at ininom. Biglalpumitik ang ugat ko sa ulo kanina. Parang may naalala ko bigla kaso malabo at burado na sa isip ko kahit ilang beses kong subukan ulit. Mas lalo lang namimintig ang utak ko.

"Ah. I get it!" Sabi ulit nung isang lalaki kanina na may sapi. "You're just jealous because we got more luckier than you! Hahaha! Now I really get it!" Nang tumawa siya ay nakitawa din ang mga alipores niya.

Tsk. Sa totoo lang naririndi nako sakanya. Di ko malaman kung pabida lang ba talaga siya o spokesperson nila. May mga bibig naman yung mga kasama niya. Ayaw niya pagsalitain.

Shattered: The AberrantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon