Chapter 7

119 43 1
                                    

Caught you.

C h a p t e r : 7

After 30 minutes, they arrived at a high end club. Kasabay ng ingay ay sumalubong din kaagad sakanya ang amoy ng alak at kung ano-ano pa.

Hay nako ito na nga nangyayari nanaman.

Every person inside the club looks at her like she is like a celebrity.

And she's getting annoyed about it.

No actually she's annoyed right now!

Hindi dahil sa mga tao pero dahil kay Jessi na mabilis siyang iniwan nito matapos magpahila sa mga babaeng kala mo may dala-dalang dalawang bag ng sako ang hinaharap.

Taksil!

Traydor!

Tiwalag!

Kanina pa siya nahihiya dahil sa mga tanong ng tanong pang mayaman. Una tinanong gusto niya daw ba ng uminom ng on the rocks. Sabi niya naman, di daw siya umi-inom ng bato. Mabilis siyang inasar at pinagpyestahan ng mga ulupong sa 1st floor kaya naman patago niyang pinunterya ang vital spots nito hanggang mahimatay saka umakyat papuntang 3rd floor para di siya mabuko.

'Sabi niya inom daw KAMI. Pero sumama sa chikas??'

Malakas siyang kumuha ng hangin bago mag salita. "WHO WANTS FREE DRINKS?" hiyaw ni Lch sa madla.

Maya-maya pa ay bilang nag hiyawan lahat ng tao sa bar.

"Gusto ko niyan!"

"Wooh!! Best night ever!"

"40 drinks samin! Black Label lahat!!"

"We want wine too!"

Lumaki ang ngisi ni Lch. "WITH FOODSSSSSSSSSS RIGHT?!!!" Muling hiyaw niya with matching lagay ng left hand sa tenga na animoy dj habang tumatango na parang isang propetang may dalang magandang balita. Mas lalo namang lumakas ang hiyawan.

"DON'T WORRY, WASTE YOURSELVES SINCE IT'S ON ME!" Proud na proud niyang sabi habang winawagay-way ang isang card sa hangin.

Tingnan natin kung di ka pa lumabas.

Mabilis namang nagbago ang music ng club na parang naging mas lively dahil sa balita niya. Pagkatapos non kaagad siyang lumapit sa counter.

She smiled. "Please pay everything with this card." Masaya niyang pinadausdos sa makintab nilang counter ang isang Black Amex Card na Unlimited.

Masigla namang sumunod ang mga staff sakanya at hinarap siya ulit. "Done na po Ms. Name po?"

Pumitik siya. "Jessi po, at your service." Pagkatapos ay sumaludo.

Abot langit ang ngiti ng dalaga bago lumayas paalis ng counter at umupo muna sa couch bago nilantakan ang isang dessert.

"Yum~ Ansarap talaga pag libre." while stomping her feet.

When she finished all the food, she crossed her arms and started biting her thumbnail.

Bakit wala padin siya???

Banas na banas na siya. Sakto namang may napadaang waiter na may mga dalang hard drinks. Dahil narin sa kabagutan kinuha niya ang Champagne, Red Wine at Tequila at sunod-sunod iyong ininom.

To her surprise umikot kaagad ang paningin niya pero ilang segundo ang lumipas nawala din kaagad.

Inuna niya ang champagne.

Shattered: The AberrantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon