(A/N : Good morning! Ako po muna bahala sainyo mamaya. Pahinga daw po muna bida sa pag kwekwento.)
.
.
.
.
.
.
.
____________Smoothie.
C h a p t e r : 4
The next day.
"Jessi, sige na plssssh~" Pangungumbinsi ko kay Jessi while making a face on the phone na para bang nasa harap ko talaga with matching puppy eyes.
Buntong hininga lang ang narinig ko kay Jessi, Maya-maya pa nagsalita ulit ito. [Lch, tingin ka sa kaliwa mo. Nakikita mo yan?]
Agad ko namang sinunod yung sinabi niya at biglang nangasim ang mukha ko.
Yung barag kong bintana.
"Anong meron sa butas kong bintana, ha?" Nanlaki ang mata ko. "—Omg, papalitan mo??? Hala thank you—"
*Pak!
[Home run!]
Napasigaw ako dahil biglang may baseball na lumagapak sa gilid ng ulo ko. Pero di ko ininda yun dahil mas nakuha ng atensiyon ko ang bagong basag na bintana.
[You good?]
Ampowta.
Ginawang catcher yung ulo ko tapos you good?
"Ikaw yun, noh?!" Naniningkit kong sabi.
[ Makabintang. Di ako yan! Dapat nga pasalamatan moko since I made you look to your left and your face wasn't hit, y'know?]
Huwaw.
Nakompirma ko naman yung sinabi niya nang nakita kong madaming bata ang nasa nasa labas ng bahay ko at nag tutulakan sinong kukuha ng bola. At dahil mabait ako at sabi ni Lord maging mapag patawad, hinagis ko nalang agad pabalik bago pa sumama lalo ang loob ko at ipablatter sila.
Hintayin niyo lang pag may pang blatter na sa bata.
"Mag te-thank you ako basta papayag ka sa gusto ko?" Muli kong sabi kay Jessi.
[Gusto mo kasunod? Ako na babato—]
"Wag! Masakit—Jessi naman eh, natamaan nako ng bola tas ayaw mo pa pumayag. Huhuhu~ " Pang gi-guiltrip ko sakanya.
[Need yan ng ulo mo.]
Ano tong ulo ko? Appliances pag tinuktok gagana?
"Bakit ba? Ikaw ah... Napapansin ko lagi mo nakong inaaway." Ngumuso ako at kunwari ay nagtatampo.
"Tsk. Hindi sa ganon. Ang tigas kase ng ulo mo." Pagkatapos ay pinatay na ni Jessi ang tawag.
"HO. HO. HO. HO." Tumawa ako na parang malademonyo dahil sa wakas napapayag ko na din si Jessi.
Basta pag iyon walang binanggit na no, never, ew, or lahat ng pagtangging makikita mo sa balat ng lupa ibig sabihin oo sagot non.
Pustahan papayag yon. Di ako matitiis non eh.
Isa pang napansin ko kay Jessi basta pag naglalambing ako sakanya na parang Bata pumapayag siya sa gusto ko. Di naman talaga ako malambing, isip bata lang like ew pero ewan kay Jessi.
BINABASA MO ANG
Shattered: The Aberrant
Action"Scream louder for me, Prim Dirielle Marie Lchwartz." "Wala akong pake sa pangit na katulad mo!" Prim's life has become a living nightmare-broken physically, mentally, and emotionally. Her tormentors are relentless, pushing her to the edge, but for...