Chapter 1

509 54 8
                                    

(A/N : ATTENTION : Hello, enjoy!

.
.
.
.
.
.
.
____________

Isa kang malaking sumpa.

C h a p t e r : 1

"Paul! Tara dun tayo sa shooting game!"

Masaya kong hinatak ang boyfriend kong si Paul na siya namang nagpapalit ng pera para maging tokens. Wala itong salitang nag-pahatak at ngingiti-ngiti lang siyang sumunod sakin.

Parang may tililing lang.

"Ang ganda dito! First time ko dito, Paul! " Pigil na pigil ko sabi kasama ang impit na sigaw.

Oo na, alam Akong mukha akong bata  na parang ngayon palang natagpuan ang arcade, pero wala akong pakialam kase araw namin ito—Naming mag ka relationshit goals. So bahala na si batman sa sasabihin ng iba, ano?

Tinignan ko ng maigi ang paligid ko at napako kaagad ang mga mata ko sa isang extreme ride.

I looked at Paul at napangiwi ako.

Patay tong tangang to.

Mukhang ginutom palagi ang itsura ng katabi ko kaya ganun nalang ang pag-aalala ko sakanya. Dapat yung hindi nakakatanggal ng kaluluwa ang kuhanin ko.

Hmm... Ano kayang pwedeng puntahan dito na kahit nakanganga ka lang masaya kana?

Sa gitna ng pag hahanap ko ng 'fun rides' pinisil bigla ni Paul yung pisngi ko.

"Ano?" Tanong ko.

"Why are you so excited? Hmm? Parang ikaw ang may birthday ah." Malambing niyang sabi.

Gusto ko sana siyang sagutin pero timatamad ako mag explain kaya ang ginawa ko nalang ay kaagad kong iniwas ang tingin ko at napakamot ng ulo.

"Ah wala lang... Ganun lang kase talaga pag makiki-birthday ka. Mas masaya ka pa kesa may birthday ganun. Haha..." Ngiwi kong sabi.

Hatdog.

Hello, ako nga pala si Lch. 'Litch' ang pronunciation. 18 years of age! Lch lang dahil bukod sa Lch lang talaga ang natatandaan kong pangalan at yun din ang nakasulat sa isa sa mga gamit ko, di ko din alam ang apilido ko.

Bonak diba?

Alam niyo kase bigla nalang akong nagising sa mundong ito na mayroong amnesia at sumulpot ang lalaking ito na nagsasabing siya daw ang boyfriend ko.

Aba'y ta-tanggi pa ba ako? Base sa sitwasyon ko halatang lahat ng malas ngayong sinalo ko na. Bakit di ko na kunin yung pinaka Malala para kahit anong problemang harapin ko petiks nalang. Ito na oh the meal is set!

Pahirapan ko pang maghanap ng karma sarili ko. Edi ito nalang kahit mukhang second hand—

"Is that so?" Natatawang baling niya sakin.

Natawa din ako nang pilit. "Oo." sabay tango.

"Then let's go. I don't want to spoil the moment." Kinabig lang ako ni Paul papalapit sakanya. Hindi naman yun gaano nakakaasiwang tignan yun o hindi naman kami nagmumukhang PDA, sakto lang kung saan para ko siyang kapatid na gusto akong protektahan.

To be honest, binulabog ko pa ang bahay ni Paul kanina para lang makapunta na kami dito. Napikon na kase ako kaka-antay kaya nilooban ko na dahil alam ko namang lagi nga siyang pagod. Di ko nga malaman kung construction worker ba tong bf ko at walang ipapakain sakin pero may kotse at marangyang bahay naman.

Shattered: The AberrantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon