Not Cheese.
C h a p t e r : 2 4
Mahigit anim na oras na kami dito pero hanggang ngayon hindi padin mapawi ang kaba ko. Puro nalang buntong hininga ang naiambag ko. Kung nag doktor siguro ako kahit ang internal organs ng hayop kaya kong ipalit sa tao.
Naihilamos ko na lamang ang aking mga palad sa mukha dahil sa inis at sobrang pag aalala.
Sana nga ako na lang dahil alam ko namang kakayanin ko.
"Prim. Wag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan. Kasalanan yun nung panot na yon."
Tumabi sakin si Sid sa couch at naki join din sa problemado kong pose.
Napabuntong hininga muli ako at napayuko. I felt so useless. Ako ang unang nakakita pero hindi ko man lang siya naitulak. Hindi ko man lang napigilan ang hayop na iyon sa pag baril sakanya.
"I'm not." Sambit ko na halata namang pinigil ko ang mga emosyon ko na lumabas at mapatunayan ni Sid ang mga sinasabi niya. Kanina niya pa din ako gustong patulugin dahil ayos lang naman daw dahil matagal pa at may gagawin pang kung ano-ano pero ayaw ko.
Baka bangungutin lang ako.
Umirap siya sa ere at walang pakundangang ginawan ako ng mga parody dun sa sinabi kong 'im not.'
"Sus. Kilala kita. Sa buong buhay natin na mag-pinsan masasabi kong kaya kong mag ala dear Charo sa pag kwe-kwento ng buhay at ugali mo kaya alam ko ding isa kang pilingerang bayani na gustong akuin ang lahat ng bagay na hindi mo naman dapat inaako." Aniya.
Yung kabang nararamdamaan ko ay nabahiran ng pagkainis sa talipandas na katabi ko.
Iritado ko siyang hinarap."Alam mo nakaka buwesit din minsan yung pagiging honest mo."
Tinawanan niya lang ako na para kaming magkaibigang naligaw lang dito para tumambay at nagsasabihan ng walang kwentang biro.
"Then I wouldn't be the Sid that you know if I wasnt. You know how I hate sugar coating my words."
That's right. Tumango-tango nalang ako bilang pag sang ayon.
He wouldn't be Sid if he's not like that. He's like a boy version of me. Ang nakakaintindi sa nararamdaman ko at sa pag uugali ko na parang i-isa lang kami kaya madalas ay inuunawa niya ako. Let us say madalas na nang i-ispoil ba.
Sa aming mag kakamaganak si Sid lang ang may bughaw na mata.
Naikwento niya samin na anak sa labas ang ama niyang si Dionysus. That explains Dionysus's blue green eyes. Half brother ito ng aking ama. Malakas daw ang genes nung lola niya na nabuntis ng nangaliweteng lolo ko kaya imbis na pure green ang kalabasan ng mata ni Dionysus eh ayun naging blue green. Ok na daw sana kaso epal daw si destiny dahil Blue din ang eyes ni nanay fiona kaya yun siya Blue na. Wala man lang itinira kahit ga-tuldok na berde. Matagal na niyang inirereklamo yan kaso nagsawa din siya. Tinanggap nalang daw niya ang tadhana niya.
Nung una nga hindi pako naniniwala kase sa pagkakaalam ko kahit kanino ka mang anak basta may anak ka sa isang Lchwartz purong berde ang mga mata ng anak mo. Kapag naman sa ginto at berde ang mata ng mga ito or sa mas madaling salita anak sila ng hari o reyna, ang magiging anak mo ay ganun din ang mata berde at ginto. Kung sa hari o reyna naman na expected ay ginto ang mata, pwedeng maging berde o ginto ang mata ng anak mo pero hindi ka pwedeng huminto sa pag a-anak hanggat sa isa sa mga anak mo ay may gintong mga mata. It's a policy in Lchwartz palace. Imposibleng wala dahil nasa lahi na iyon. Maliban kase sa likas na mahusay ang mga Lchwaetz, ang mga taong may gintong mga mata naman ay may ibang klase ng pagiisip, pagdating sa ibat-ibang mga bagay at aspeto ay natatangi sila. Lagi silang angat. Matatalino at matataas na mga tao.
BINABASA MO ANG
SHATTERED : The Aberrant
General FictionThe hell is currently empty and all the devils are here. " Scream louder for me, honey. " - Prim Dirielle Marie Lchwartz.