Technique.
C h a p t e r : 2 9
"Bilisan mo diyan!"
"Oo!"
Excited ka?
Napakabilis naman nilang matapos. Hindi siguro naligo yung mga yon.
Isinuot ko na ang black combat boots ko at tumingin sa salamin. White sleeveless croptop matching my black ripped jeans that is decorated by silver chains. Tutal mukhang malamig at gabi na sa labas kinuha ko na din ang isang leather jacket at hinayaang bukas yun ng isuot ko.
Yan pwede na.
Pwede nang pumasang may pera.
"HUY!"
Gulat akong napatalon sa harap ng salamin. "Ay pusang gala!--Oo na palabas na sabi!"
Buset na Sid! Hindi makapagintay. Hindi naman siya hinahabol ng kung sino ba't nagmamadali? Para siyang may pupuntahang date sa gawi niya.
Sus. Bading naman.
Bago pa kalampagin ni Sid ang pintuan ko ay kinuha ko na ang small black knapsack ko kasabay ang cap na may tatlong rings na nakakabit bilang dekorasyon. Kakaibang saya ang nadama ko ng malamang mabigat-bigat din tong dala kong bag.
Sakto panghampas sa katabi.
Lumabasa nako ng kwarto ko at tinungo ang sala. "Alis na tayo." Aya ko.
Wala pa ko sa kalahati ng hagdan ng halos madapa ako nang makita ang mga porma nila.
Jusko mahabagin.
Pwede pa naman akong umakyat 'di ba? Wala naman silang magagawa kung magpapalit muna ako dahil hindi nako sigurado pa sa kaligtasan ko.
Mula ulo hanggang paa, puti ang nangingibabaw sa mga butihin. Mukhang mga inosenteng nilalang at walang bahid ng kasalanan. Muntik pakong mapadasal ng wala sa oras at ma-imagine na may mga pakpak ng anghel ang mga talipandas.
Napangiwi ako. Paniguradong pag pinagitnaan nila ako hindi magiging maganda ang bunga.
Putragis, magmumukha akong dumi.
Huli na ng mapagtanto ko na imbis na sa pinto ang punta nila ay nagtungo sila sakin. Hinawakan kaagad ni Sid ang gilid ng pantalon ko at itinaas. Kulang nalang ay paabutin niya hanggang leeg ko para makuntento. Si Xeven naman ay isinara ang jacket ko.
BoOm Lumpia.
Alam niyo, wala na talaga akong pakialam. Bahala na. Kahit na mukha akong ipinaglihi sa maitim na budhi ay ayos lang. Ayos lang ako. Ayos na ayos. Kayumanggi na nga ako tas tinakpan pa yung nagiisang puti kong suot sa katawan. Galing diba? Hindi nako magtataka kung bigla nalang akong hulihin diyan sa daan dahil napagkamalan akong kidnapper o kaya naman snatcher.
"Come. You're wearing something revealing. Someone might snatch you away from us if you're looking like that." Sabi ni Xeven at tinabihan ako. Ganun din ang ginawa ni Sid bago kami tuluyang lumabas ng bahay.
Sa mga oras na to ay masaya akong itulak sila pagkatapos naman ay pag uuntugin dahil sa kamanhidan ng mga depota at talagang pinagitnaan ako.
Kaso nawalan ako bigla ng gana.
Sinilayan ko nalang muli ang damit ko at naalala ang madamdaming pahayag ni Xeven.
Sobra siya.
BINABASA MO ANG
Shattered: The Aberrant
Action"Scream louder for me, Prim Dirielle Marie Lchwartz." "Wala akong pake sa pangit na katulad mo!" Prim's life has become a living nightmare-broken physically, mentally, and emotionally. Her tormentors are relentless, pushing her to the edge, but for...