Chapter 20

69 36 0
                                    

Pen pal.

C h a p t e r : 2 0

Busy lahat ng tao ngayon dito sa palasyo.

Inihahanda kase nila ang padiriwang ng tatlo kong kuya.

Samantalang ako buryong-buryo na dito at lupaypay habang naka nga-nga sa sofa.

Tamang hintay lang ng pagkain. Baka may tumilapon bigla atleast nakanganga na ko.

"Hey. Are you sick?"

Napatingala ako at winelcome ako ng maaliwalas na mukha ni kuya Michael.

Mukhang may egzoited. Padilimin ko kaya?

Nakahalata na sigurong mukha na akong tanga dito na hindi manlang gumagalaw simula pa kaninang umaga.

Ganun pag bangag. Nakantahan kasi ako kagabi.

Tumango ako sakanya at tipid na ngumiti.

"Good." Ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.

He smiled sweetly at me. Di ko mapigilang mapangiti din pabalik dahil sa ikinikilos niya sakin.

Nakakataba naman ng puso.

"Mahirap na, shunga-shunga ka pa naman" Dugtong niya na sumampal sakin ng katotohanan.

Sumimangot ako sakanya.

Kailangan ipamukha?

Kaagad kong pinalis ang kamay niya.

"Ewan ko sayo, trip moko? Dun ka na nga, asikasuhin mo birtday mo! Letche."

Tinawanan niya lang ako ng malakas saka umalis at chineck ang dapat i-check.

Kaimbyerna nakakasira ng day.

Speaking of day. This day ay mag ce-celebrate ng birthday ang mga kuya ko. It's not that magkakapareho sila ng birthday pero magkakasunod kase sila. Mula kay kuya Sebastian na Dec. 10 hanggang kay kuya Dishax na Dec. 12.

Malay ko ba sakanila pero sabi nila napagkasunduan nalang nilang mag celebrate ng sabay-sabay tutal sunod-sunod naman kaya pinag-isa nalang. Bata palang sila pangako na nila sa isa't-isa yan. Kaya walang nagawa ang mga magulang namin kung hindi pagbigyan sila sa gusto nila.

Bukod kase sa likas silang madesisyon sa buhay ay yun lang naman ang tanging ipinakiusap nila kay tito at papa maliban sa kaligtasan ko.

Di nila alam sa tatlong to ako mapapahamak.

Hays.

Nanga-lumbaba ako. Simula ng tumakas ako papuntang mall ay hindi na nila ako hinayaang kumilos, pumunta sa kung saan-saan at umalis sa paningin nila.

Kaya eto tulaley ang peg ko dito.

Habang nakabantay sakin ang canine ni kuya Sebastian.

Syempre kailangang iwan niya dito ang kampon niya.

Wala. Nakipag tagisan lang ng titig. Ni hindi man lang nag ha, hi, o ho. Di niya din trip tumahol. Basta nakatitig lang siya sakin.

Magpalapa na kaya ako? Ako ang nahihirapan sa pinagagagawa nila.

Balita ko galing ang asong to sa military. Highly trained. Di pa nga nakuntento sila kuya at pinapatrain padin nila every other day.

Di na ko magugulat kung sa susunod kasama ko mag mall ay aso.

SHATTERED : The AberrantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon