Chapter 30

44 18 0
                                    

Run.

C h a p t e r : 3 0

Huh? Saan nga banda ulit yung tamang labasan?

Patay tayo diyan Prim! Lakas ng loob mo mang uto kayla Sid kanina matikman mo lang yung street foods tapos kinalimutan mo yung dinaanan niyo papasasok? Yung pinaka importanteng bagay pa di mo tinandaan!

Ano ka ba may Alzheimer's disease?!

Napasintido nalang ako habang nililingon ang mga exit na napasukan ko na at ang hindi pa. Shuta. Ubos na limang minuto ko kakahanap palang ng labasan. Hays. Siguro magtatanong nalang ako kahit pa ayaw kong ng pi-first move.

Naks kala may lablayp.

"Uhm.. Excuse me?" tawag ko sa babaeng napadaan sa gilid ko. Swerte at tumigil naman siya.

Natutop ang mga labi ko ng nilingon niya ko. Parang nag slow motion ang lahat. Maganda na sana ang paraan ng pag ikot ng ulo niya kung hindi lang sumampal yung buhok niya sa mukha niya at dumikit pa yon sa labi niyang award sa red lipstick. Inayos niya din naman yun.

Nice.Di niya nalulon.

I cracked my head a little bit. I think this person will give me a hard time. She looks like a foreigner.

But you know, I'm not born in England for nothing. "Do you know where the exit is?" deritsyahang tanong ko.

I tried my best to speak in an British accent since she looked like European. Kaya english spokening dollar muna tayo dahil baka lalo lang akong mahirapan pag tinagalog ko pa. Sapakin ako bigla ganun dahil inakala niyang minumura ko na siya. Sa mga oras pa naman na to ay mukha na talagang mang-aaway at manunugod bigla ang itsura ko. Pano, patagal ng patagal nauubos na ang oras ko dito sa loob at gutom nako. Ayoko namang dito na kumain dahil baka mahagip ako nila Sid at hambalusin ng paborito niyang talong.

Talong abuse.

Tiningala niya ako dahil mas matangkad ako sakanya. Kapansin-pansin kaagad ang mga kulay kastanyo niyang mga mata.

Ang cute naman ng girl na to. Babaeng-babae ang dating at naka dress with pink heels pa. Petite and pretty. Ansabi ng itsura kong malayo pa lang itsurang tambay na sa kanto?

Bahagyang namilog ang mga mata niya at bumuka ang bibig. Nilapitan ko naman siya at niyukod para mas marinig dahil may napansin akong sinabi niya kaso mahina.

Baka kailangan pa ng mic?

"What? What did you--" Di pa tapos ang sasabihin ko ng biglang magtatatakbo ang babae. Muntikan pa siyang makadisgrasya ng ibang tao sa ginawa niyang pagharurot na hindi ko naman alam kung para saan at ginawa niya yon.

Anyare?

Inamoy ko ang sarili ko at di naman ako mabaho kaya ano nanamang issue ko? Mukha ko ba talaga yung problema? Kase kung oo pano naman yung kay Sid eh halos kambal tuko ko na ang isang yun. Sa kabutihang palad nga lang ako ang swinerte at siya ang minalas.

In short, mas malala siya.

Kung yun lang naman yung issue.

Dahil sa runaway keme ni ate ay bumalik ako sa paglingon at paghahanap. Grabe naman kase makatakbo kala niya naman hahabulin ko siya.

"Ayun!" Bulalas ko ng makita ang pamilyar na vase na dinaanan namin papasok kanina. Dali-dali kong tinakbo yun halos halikan ko na ang inaapakan ko dahil sa wakas nakalabas na din ako ng gahiganteng mall. Biruin mo umabot hanggang sampung palapag yung mall na to?

SHATTERED : The AberrantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon