Chapter 3

170 41 0
                                    

Plan?

C h a p t e r : 3

Gabi na ng maalipungatan ako. Pagkagising ay nawala na ang lagnat ko pati si Jessi.

Kakamot kamot na bumaba ako papuntang kusina para uminom ng tubig. Nang matapos ako ay dumiretso ako sa banyo para maligo. Di ko alam ah, pero lately against ako sa mga taong may poor hygiene. Ultimong mga taong di man lang magawang mag tootbrush ng maayos.

Ito ata yung tinatawag nilang trauma.

Simple lang ang bahay ko. Bahay ng taong di man mayaman pero gusto ang simple basta kayang masuportahan ang pang araw araw na buhay. Pinili ko tong bahay nato. Maayos naman eh saka maganda.

Sa totoo lang, nung una pa nga lang akong lalabas ng ospital ay nag presinta sakin si Jessi ng matitirahan. Nang makita ko yung bahay nilayasan ko siya kaagad.

Pakiramdam ko kase magkakautang ako.

Di lang utang na loob kay Jessi pero utang din sa bangko. Sinabi ko yun sakanya tas sabi niya willing naman siyang ipahiram nalang muna sakin yon. Halos ma bali ang leeg ko nun kakailing matanggihan ko lang ang offer niya. Mamaya kailangan ko palang mag show bilang hayop o kaya magpanggap bilang unggoy kapalit nung mga ibinigay niya.

Safety pers.

Sa totoo lang di ko talaga kayang palagan ang isang yon. Para kaseng tatay ko siya na ewan base sa kung pano din niya ako tignan at itrato, pakiramdam ko may mahalaga kaming relasyon noon hindi lang bilang mag-bestfriend.

Oo, kaya ko siyang suntukin o kaya sapakin but as a joke lang naman o siya ang may kasalanan sakin at pag napikon ako. Mahaba-haba pa naman kase ang pasensiya niya pagdating sakin. Pero di Naman a-abot sa punto na makakagawa ako ng bagay na talagang ika-gagalit niya. At sa tingin ko, mukhang may ginawa siya noon para matakot ako sakanya ng ganito.

Baka stalker ko siya dati?

Alam kong sasakalin ako ni Jessi pag narinig niya to pero di Naman Siya siguro stalker sa yaman niyang yon. Anyways, feel ko lang naman. Pakiramdam ko lang na he scares me. Pero I trust my instinct dahil kahit kailan di ako binigo ng instinct ko.

Matapos kong maligo ay nagbihis ako at nagayos. Simpleng lagay ng pabango, lotion saka tawas. Bakit ba? Mas prefer ko tawas kesa sa deo. Hindi sa wala kong pambili pero maarte tong armpit ko eh. Pang susyal.

Kahit siya nalang susyal.

Meron kase akong allergy pag dating sa deodorant. Tinanong ko din si Jessi about sa kondisyon ko na to kase nga diba bestfriend ko daw siya.

Alam niyo ginawa ng loko?

Inirapan niya lang ako at sinabihan ako ng kakatabi ko daw yan kay Paul kaya daw ganon. Ano namang kinalaman ni Paul sa pagiging allergy ko sa deodorant?

Halatang nangungupal lang eh.

Ayon hinayaan ko nalang siyang maging misteryo ng taon at nag stick ako sa tawas. May konsensiya pa naman ako at ayokong makapatay gamit ang anghit. Sa totoo lang, bawal din to eh. Saka di naman talaga kailangan dahil hindi nagpapawis o bumabaho ang kili-kili ko pero sa tuwing naiisip ko yung kasama ko kahapon di ko talaga mapigilan yung sarili ko.

As in.

Kaya gagamitin ko muna pero for the mean time lang naman. Kahit ako nalang ba yung mabango.

Para naman sa damit ay nag suot ako ng denim shorts at simpleng black t-shirt na may nakalagay na 'ň ə v ə x'. Nag posing-posing pa ako sa salamin. Pagkatapos non nandiri din ako sa pinag-gagawa ko kaya tinigilan ko na. Bumaba nalang ako papuntang kusina at nagluto ng Carbonara.

SHATTERED : The AberrantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon