Stares.
C h a p t e r : 6
"Jessi kala ko ba i-inom tayo?" kiming tanong ni Lch na kanina pa nagtataka kung bakit ba nasa mall silang dalawa.
Tumingin lang sandali si Jessi sakanya saka umiling-iling pagkatapos ay ibinalik ulit ang mga mata sa mga shop."Excited ka ba? Una ka."
Malakas siyang siniko ng dalaga dahilan ng pagkamura nito. Maya-maya pa ay inusisa ni Lch ang suot niya. "Eh kase naman. Ayos naman na tong damit ko ah. Ba't namimili ka pa ng bago?"
Dismayang nagsalita si Jessi sakanya. "Pupunta ka sa bar ng naka—"*he looked at her from bottom to the top."Sneaker, hoodie, and jogging pants?"
"Oh, come on!"
Jessi grinned to Lch. "Yeah, come on." Pagkatapos ay hinila siya nito papunta sa shop na nakahagip ng paningin nito.
"—I just have someone to piss off so he would go out..." Bulong ni Jessi.
Napansin ni Lch na parang may sinabi si Jessi kaya nagtatanong na tinignan niya ito. Baka importante pala tapos di niya narinig.
Baka magpapakain.
"Anong sabi mo?"
Umiling nalang si Jessi saka ngumiti sakanya. "Wala."
Tumango nalang siya habang nakayuko. Nang huminto sila sa harap ng shop ay di makapaniwalang tumingin siya sa katabi niya.
Mabilis niyang hinampas sa likod ang katabi niya "Ay! Santisima— bakit kailangan Chanel pa?"
Nagkibit balikat lang si Jessi na para bang normal niya itong gawain at tila ba barya lang ang mga nakatinda dito para sakanya.
"Wala lang trip ko lang."
Naghilahan pa silang dalawa na parang mga bata. Sinubukan niyang umupo para hindi siya lalo mahilig ni Jessi kaya lang mabilis naman siyo nitong hinila sa kwelyo papasok sa shop na parang mop.
Ina talaga.
Napasampal nalang si Lch sa mukha. Di niya talaga maintindihan ang kokote ng mga taong mayayaman. Kung i-isipin niya man ay sasakit lang ulo niya. Nagpatianod nalang siya kung san man gustong pumunta nitong si Jessi.
Sana pagkain naman kasunod.
Bawat racks ng damit ay hinihintuan nito na parang bihasang-bihasa pagdating sa mga ganitong bagay. Daig pa siya na once in a blue moon lang lumitaw ang fashion sense dahil kadalasan kung lalabas man siya ay mukha lang siyang tambay na naghahanap ng makakasuntukan.
'Hindi kaya bading ako?' pag kwekwestiyon ni Lch.
"Here!"
Pumihit ang atensyon niya papunta kay Jess at nang makita ang hawak nito walang pasabing dinagukan niya ito ng pagkalakas-lakas.
"Aray naman! Bakit ba?!"
"Kaninang umaga galit na galit ka sa suot ko tapos ngayon yan ang ipapasuot mo sakin?!"
Kumunot ang nuo ni Jessi.
Tinignan nito ang damit pagkatapos ay itinaas ang kilay nang bumaling ito muli kay Lch.
*pookkk!!
"Oh?! Anong ginawa ko sayo?!"
Hinarap siya ni Jess habang siya ay hihimas himas ng ulo."Ikaw, yung suot mo di bagay kanina kase masyadong maganda. Bukod dun pupunta ka pa sa bahay ng satanista. Ano ka alay? Ngayon tignan mo anong nangyari sayo?"
BINABASA MO ANG
Shattered: The Aberrant
Action"Scream louder for me, Prim Dirielle Marie Lchwartz." "Wala akong pake sa pangit na katulad mo!" Prim's life has become a living nightmare-broken physically, mentally, and emotionally. Her tormentors are relentless, pushing her to the edge, but for...