Chapter 39

939 61 13
                                    

King

C h a p t e r : 3 9

Limampung tao.

Bawat isa, armado ng modernong weaponry—rifles, shotguns, grenades, at kung anu-ano pang armas na mukhang.

Eh gago pala kayong lahat eh.

Ano to massacre?

Ako? Anong dala ko? Isang pistol lang. Wala pang backup dahil gusto ko lang sana PUMASOK at ng PANSIT.

Tine-testing talaga ako ng mundo eh, bakit ba kase walang puro kamalasan ang natatanggap ko?

Anong sasabihin ko kay Sid?

Kakalbuhin ako non.

"You're really strong huh." Sabi ni Vincent habang tinatawanan ako mula sa malayo. Nakakalas ito sa mga kamay ko dahil tumawag ang magaling kong pinsan kanina at si Xeven.

Syempre inuna ko yung text ng pinsan ko, anong gagawin ko kay Xeven? Eh lagi nga akong trip non.

Walanghiya.

Nakareceive nako ng 503 missed calls Mula kay Sid dahil kanina pa nila ako hinihintay sa school para makapasok. Pero cutting ang labas ko ngayon dahil sa impaktong to.

Maya-maya pa ay bigla akong pinaulanan ng bala ni Vincent kaya mabilis kong ibinato ang pansit sa mukha niya dahil nagulat ako sa ginawa niya.

Aba kasalanan mo yan.

Sumama lalo ang tingin niya sa akin habang hawak-hawak ang isang customized assault rifle dahil nabulunan siya sa Pansit.

Nang madama niya na hindi niya ako matamaan mabilis niyang sinenyasan ang mga kampon niya na sugudin ako. Tumigil lang naman silang atakihin ako kanina dahil sa pride niyang di naman nakakain.

"Capture her and make sure to shoot her a lot but give her to me alive. It doesn't matter whether she's bleeding all over as long as I can shut her trap."

"Can't you just do it, Vincent? Kinakalawang na ba yang tuhod mo? Ahh, you can't kill me yourself that's why—"

Natawa ako lalo nang kumuha siya ng rocket launcher. Pero kabado bente talaga ako.

Ok. Dalawa lang ang ending ko ngayon.

It's either makakakain ako ng pansit ng matiwasay or ako ang isasahog sa pansit kung ititira niya sakin yan.

Dun tayo sa unang option.

Huminga ako ng malalim at nag-isip ng plano ko. Kung i-aactivate ko si Brieant ma dedetect ako nila kuya at Sid at yon ang hinding-hindi ko gustong mangyari dahil pipingutin ako ni kuya pag nag sumbong si Sid. Wala din namang akong mahihingian ng tulong dito dahil baka makisali pa sa riot.

Eh what if kay Xe—

Ah putangina hindi na.

Baka ngisian ya lang ako at magkape pa habang binabazooka ako dito ni tong Vincent na epal sa buhay.

Alam ko na!

Tama, I'll just run towards him to deactivate the rocket launcher. Kung hindi padin to gagana, prayers nalang talaga.

Sana ay gabayan ang kaluluwa kong unod ng sama.

Pero bago ko pa maisakatuparan, biglang sumugod ang isa sa mga tauhan niya. May hawak siyang machine gun, at mukhang handang-handang magpasabog. "Okay, so this is how it’s going down. Let’s do this." Sabi ko sa sarili ko.

Shattered: The AberrantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon